Epilogue

53 2 0
                                        

Sid


"Isidro! It's such a pleasure to have you as our guest tonight. Thank you for joining us!"


Bineso ko 'yung host ng party, "No worries. Thank you for having me," sambit ko sa kanya. 


Nasa New York ako ngayon para umattend ng party na in-organized ng isang kilalang magazine. Simula noong naging cover page nila ako, palagi na akong naiimbitahan sa party nila. 


Masaya naman, kaso hindi ko talaga trip ang mga ganito. Ang engrande ng party! Ang daming chandelier, bulaklak at iba't iba pang dekorasyon! Halatang wala silang lumpiang shanghai at pancit bihon dito. Nakakahiya pang mag-sharon!


Nagpatuloy ang buhay namin pagkatapos ng Paraluman Project. Pagkatapos ng bakasyon nina Austin at Hazel, agad na nilang sinimulan ang expansion ng Stellaries. Sobrang naging abala si Maki sa paghahanap at pag-aayos ng magiging opisina niya rito sa Pilipinas. Tinutulungan siya ni Hazel, habang si Austin naman ay nagsasanay na maging portrait photographer. 


Ako naman, patuloy pa rin sa pagiging model. Bawat event, mas dumarami ang nakakakilala sa akin. Dumami rin tuloy ang mga natatanggap kong invitations, endorsements at events. Halos ikutin ko na ang buong mundo dahil sa dami kong inaattendan na event katulad ng Paris Fashion Week at New York Fashion Week. 


Gayunpaman, hindi ko nakakalimutan si Maki. Palagi ko siyang tinatawagan kapag nasa malayo akong lugar. May mga pagkakataon pa rin na nakakalimutan niya ako lalo na kapag matagal niya akong hindi nakikita, pero ayos lang. Ang mahalaga, nalalampasan namin 'yon. 


"Anong ginagawa mo ngayon, mahal?" tanong ko sa kanya. Nasa kotse ako ngayon, papunta sa The Famous Grand Palais. Doon kasi gaganapin ang isang fashion show na aattend-an ko. 


[I'm fine. We've just finished our shoot so we're having a break.] sagot niya sa akin. Nasa Batanes naman siya ngayon, nagshoshoot. 


"Kailan ka uuwi po?" 


Dahil umingay ang pangalan ni Maki dahil sa Paraluman at sa katatapos lang niyang fourth exhibit, marami ang gustong kumuha sa kanya dito sa Pilipinas.  Ngayon, may partnership siya sa isang travel magazine. Nasa batanes siya ngayon para kumuha ng mga litrato na ilalagay nila sa magazine. 


May kinausap siya saglit bago binalik sa akin ang atensyon. Si Maya yata ang kumakausap sa kanya. "Tomorrow. How about you?" 


Napanguso ako, "Tatlong araw pa ako dito." 


"Oh... Okay. Take care, then." Tumayo na si Maki at naglakad ulit. Hindi ko alam kung saan siya pupunta. 


"I miss you. Huwag kang lalayo kay Hazel at Maya, ha?" pagpapa-alala ko. 


"Yes, love. I miss you, too." sagot niya. 


Ngumiti ako. Magdadalawang taon na kami, pero hindi pa din nawawala ang epekto niya sa akin. Mas lumalala pa nga, e!

Memories Begin in SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon