Chapter 15: Sid

41 1 0
                                    

"Ano? Wala ka pa ding planong umamin?" tanong sa'kin ni Vic. Umiling ako. Nasa bahay kami ni Vic ngayon, katatapos lang namin magdota.


"Natatakot ako, e..." sambit ko.


Dalawang linggo na lang, aalis na si Maki. Hindi ko mapigilang malungkot. Akala ko, madali lang sa'kin na hayaan siyang umalis. Hindi pala. Sobrang hirap sa'kin na mawala siya. 


Bakit kasi hindi na lang siya manatili? Masaya naman dito, ah.


"Halata namang gusto ka din noong tao. Para lang kayong tanga na nagtataguan ng feelings." pag-irap ni Sinag.


Sa totoo lang, ang hirap hindi umasa na gusto ako ni Maki. Ibang-iba ang pagtrato niya sa'kin. Dahil doon, mas nahuhulog lang ako lalo. Ang sarap sa pakiramdam na sa akin lang siya komportableng gawin ang mga bagay na hindi naman niya talaga ginagawa sa iba.


Ilang beses kong gustong maki-usap na dito na lang siya, pero hindi ko magawang gawin 'yon. Ewan ko. Natatakot ako na baka magalit o hindi niya 'yon magustuhan.


"May plano ka bang umamin?" tanong ni Leonel. Tumango ako.


"Nagpaplano kami na mag-dagat sa Sabado. Matatapos na ang bakasyon, hindi pa rin tayo nakakapag-outing." saad nito sa'min.


"Totoo! What if, doon ka na din umamin para romantic!" ngiting sabi ni Vic bago hinampas ang braso ko. 


Napa-ngiti ako dahil sa sinabi ni Vic. Nakakatuwa na kahit madalas nila akong asarin, ramdam ko pa din ang suporta nila sa kasiyahan ko.


"Luh? Tangina, kinikilig ka na sa ganon? Gago, ang sagwa." nandidiring sabi ni Sinag. Akala niya, si Maki ang dahilan kung bakit ako nangiti. 


Sabagay, totoo naman. Lagi naman akong kinikilig sa kanya. Ano bang bago?


"Paano kung ma-basted ako?" tanong ko. Kahit medyo halatang gusto ako ni Maki, ayoko pa ding isantabi ang posibilidad na bastedin niya ako.


"Edi, bumalik ka na lang sa dagat at maging bangus na lang ulit." sambit ni Sinag bago kinain ang natitira niyang kalamares. Ngumuso ako.


"Hala, baka hindi ako makasama. Medyo malayo ang dagat rito. Baka hindi ako payagan." nag-aalalang sabi ni France. Kahit kailan talaga, Disney princess 'to.


"Ako bahala. Ako na magpapaalam para sa'yo. Papayagan ka ng mga 'yon."


Tumango si France. Hindi ko pa din alam kung bakit isang paalam lang ni Sinag, pumapayag agad sina Tita Teresa. Kapag kami ang nagpaalam, medyo nag-aalinlangan pa si Tita. Hindi naman hamak na mas katiwa-tiwala kami kaysa sa lalaking 'to!


"Hoy, sinasabi ko sa inyo! Walang tokis, ha!" galit na sabi ni Vic. Nakaturo pa sa'min ang stick ng fishball niya. "Kapag may hindi pumunta, gagawin kong pogs mga mukha niyo!"


"Oo na. Dami mong alam, e." pagbaba ni Leonel sa stick ni Vic. "Sabihan mo na din si Maki, Sid. Pag-usapan na lang natin sa susunod ang magiging ambagan."

Memories Begin in SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon