"Lalala... Friends na ulit kami..."
Ngiting-ngiti ako habang sinasabon ang katawan ko. Sino ba naman kasi ang hindi ngingiti? Friends na ulit kami ni Maki!
Patuloy lang ako sa pag-hum hanggang sa matapos akong maligo. Tinapis ko ang katawan ko ng towel bago ako dumiretso sa salamin para maglinis ng mukha.
"Grabe... ang pogi mo talaga, Isidro!" saad ko sa sarili ko. Sinipat-sipat ko pa ang mukha ko. Ang kinis! Itsurang babalikan ng first love!
"Kaso ang plastik mo. Friends, pero gustong-gusto mo 'yung tao? Ang galing mo!" pagkausap ko sa sarili ko habang naglalagay ng toner.
Para talaga akong lumulutang. Hindi ko inakalang magiging magkaibigan ulit kami ni Maki. Naisip ko lang kasi kanina na para kaming nasa Ezperanza. Ganoon na ganoon din 'yon, iba lang ang lugar. Tapos nasabi ko na namiss ko siya.
Akala ko nga ay susungitan niya ako. Pero sinabi niya na namiss din daw niya ako! Halos mamatay ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Totoo nga! Tignan niyo pa!
Patapos na ako sa skincare ko noong tumawag ang tropa sa group chat namin. Bakit na naman kaya? Napapadalas din ang pagtawag nila, e. Ang ci-clingy talaga!
Agad kong tinapos ang ginagawa ko bago ko sinagot 'yon. Hindi pa ako nakakapagsalita ay bigla akong sinalubong ni Vic.
[Hoy! Akala ko ba trabaho ka lang diyan?] bungad ni Vic.
Nakita ata nila ang pagfollow namin ni Maki sa isa't isa. 'Yung mga fans ko kasi, binabantayan kung sino ang finofollow at inuunfollow ko. Ewan ko kung bakit. Basta ganoon ang trip nila.
[Dami mong side jobs, ah.] dagdag ni Sinag.
[Kayo na ulit?] tanong sa akin ni France.
Hininaan ko ang volume ng cellphone ko noong lumabas ako ng banyo. Tulog na kasi si Maki. Mamaya, marinig niya ang mga sinasabi ng mga tropa ko. Magpalipat pa siyang bigla sa ibang kwarto. Dumiretso ako sa veranda at umupo sa isang upuan doon.
Umiling ako sa kanila, "Hindi ah! Friends lang kami." labag sa loob kong sabi.
[Yuck! Pahiramin mo nga ng blush 'to, France. Clownery, amputa.] Nandidiring tingin sa akin ni Vic.
"Sorry, hindi ko na kailangan 'yan. May blush na kasi ako. Koreanong Photographer na may lahing Filipino. Gwapo, matangkad, color gray ang buhok at hindi jejemon." mayabang kong sabi.
Oo na, ako na ang nagyayabang agad kahit wala pang kahit ano. Bakit ba? 'Yun ang trip ko, e.
Nakita ko ang bahagyang pagtawa ni Leonel. [Friends, hahaha. Hindi na talaga natuto ang mga taong 'to.]
[Kaya nga! Bakit ba kasi kayo nafafall sa bestfriend niyo?] mapang-asar na tanong ni Vic.
Tumawa lang ako, kahit na kinakabahan din ako para sa dalawa. Nakita ko kasing nagtanggi ang pisngi ni Sinag sa inis.
BINABASA MO ANG
Memories Begin in Summer
RomantiekMakisig Daniel Kim thought his good memories of summer ended when his family decided to move to Philippines. Luckily, Isidro Benjamin Delicadeza, his new neighbor, offered to help him make new memories before he went back to Korea for his dreams.