"Huy! Okay ka lang ba?"
Tumingin ako kay Vic bago tipid na ngumiti. Nasa bahay kami ni Leonel at tumatambay sa veranda nila para magpahangin.
Nakita ko silang nagkatinginan. Naguguilty ako dahil pati sila, naaapektuhan sa nararamdaman ko. Gusto kong maging masaya, pero hindi ko magawa. Ang hirap talaga. Siguro dahil ito ang unang beses kong masaktan ng ganito.
"Gusto mo ba magkwento? Makikinig kami." saad ni France.
Ngumiti ako bago umiling. Ilang araw ko nang bukang-bibig si Maki sa kanila. Mamaya, nauuta na sila dahil paulit-ulit lang din naman ang lumalabas sa bibig ko. Miss ko na siya. Kamusta na kaya siya? Namimiss niya ba ako? Iniisip niya rin ba ako?
Halos 'yon palagi ang sinasabi ko. Buti nga, hindi sila nagrereklamo.
Alam kong gusto nilang makinig, pero hindi naman pwede na palagi ko na lang sisirain ang mood ng tropahan namin. Kikimkimin ko na lang muna siguro 'to, kesa naman dumugo na ang tainga nila kakarinig sa pangalan ni Maki.
"Gusto mo uminom?" tanong sa'kin ni Sinag. Nakita ko siyang hinampas ni France.
"Baliw ka ba? Bawal 'yon!" inis nitong sabi.
"Bakit bawal? Hindi na naman minor 'tong si Sid." sagot ni Sinag.
"Eh ikaw? Minor ka pa! Sa August pa birthday mo, 'di ba?"
"Parang ilang buwan na lang, e. Ganoon din 'yon!" pangangatwiran nito.
"Tigilan mo nga ako. Walang iinom. Bawal." sambit ni France bago umupo sa tabi ni Sinag.
Sa'ming lima, ako, si Vic at Leonel pa lang ang 18. February ako nagbirthday habang si Leonel at Vic ay July at November last year. Sa August pa mag-eeighteen si Sinag, habang September naman si France.
Pero parang gusto ko ngang uminom. Na-curious ako bigla sa lasa nito. Totoo kayang nakakalimot ito ng problema?
"Leonel..." pagtawag ko sa kaibigan ko. Tumigil ito sa pag-kain at tumingin sa'kin. "Tara, inom." saad ko.
Halos mailuwa ni Vic ang kinakain niyang pancit dahil sa sinabi ko. Gulat silang tumingin sa'kin.
"Gusto mo uminom? Totoo ba 'yan?" tanong ni Vic, hindi makapaniwala na nagyayaya ako.
Noon pa kasi nila ako niyayaya, kaso palagi akong tumatanggi. Hindi ako interesado sa alak noon, kaya kapag umiinom silang dalawa, taga-kain lang ako ng pulutan. Nagagalit nga sila sa'kin, e. Kulang na lang daw, ulamin ko 'yung pulutan.
"Oo nga. Pwede ba?" tanong ko.
Pinaghahampas ni Vic ang braso ni Leonel, tuwang-tuwa. "Oo! Gago. Kunin mo 'yung Alfonso n'yo, Leonel!"
![](https://img.wattpad.com/cover/331817159-288-k168521.jpg)
BINABASA MO ANG
Memories Begin in Summer
RomanceMakisig Daniel Kim thought his good memories of summer ended when his family decided to move to Philippines. Luckily, Isidro Benjamin Delicadeza, his new neighbor, offered to help him make new memories before he went back to Korea for his dreams.