Chapter 20: Sid

40 1 0
                                        

"And that's a wrap! Good job, Sid!"


Nagpalakpakan silang lahat pagkatapos ng shoot namin. Ngumiti naman ako at nagpasalamat. Finally, tapos na rin!


"Sir, towel po." pag-abot sa'kin noong staff. Kinuha ko ito ang nagpasalamat ulit. Binalot ko ang sarili ko nang towel at naglakad papunta sa cabin ko.


Summer ang theme ng magazine na kumuha sa'kin kaya ang tanging suot ko lang ay baby blue beach shorts. Sa may mismong beach kami nag-pictorial kaya basa ang buhok at buong katawan ko.


Pagdating ko sa loob, sinarado ko ang lahat ng pinto at bintana. Inayos ko din ang kurtina para siguradong walang makakakita sa'kin. Mahirap na, baka sumikat ako lalo sa maling paraan.


Apat na taon na simula noong nagsimula akong mag-model. Noong first year ako, lumaban at nanalo ako bilang Mr. ESU. Sakto, isa sa mga judges doon ay naghahanap ng lalaking model. Pagkatapos ng pageant, nilapitan niya ako at tinanong kung interesado ba ako maging model.


Ayoko sana noong una. Wala naman sa plano ko ang sumikat at makilala. Ang tanging plano ko lang ay magtayo ng local tourist agency sa Ezperanza, o hindi kaya ay maging head ng Department of Tourism sa lugar namin. Ewan ko nga bakit bigla kong naisip na subukan ito.


Siguro, ganoon ako ka-lungkot noon na umasa akong ito ang magiging daan para makita ko ulit si Maki.


Parang tanga nga, e. Malabong makita ko si Maki sa industriyang ito. Hindi naman 'yon kumukuha ng litrato. Kung magiging bundok ako, pwede pa.


Pero ayos na din. Masaya na ako sa trabaho ko ngayon. Hindi rin naging madali ang tinahak ko para marating ko ang lahat ng mayroon ako. Sinakripisyo ko ang pangarap kong simple at payapang buhay para dito. Hindi naman ako sobrang sikat, pero marami na ding nakakakilala sa'kin.


Pagkatapos kong maligo at magbihis, saktong may kumatok sa pintuan ng cabin ko.


"Saglit lang!" sigaw ko. Itinago ko ang marumi kong damit at siniguradong maayos ang kwarto ko. Mahirap na, baka biglang may camera.


Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa'king ang P.A. ko. Si Theo.


"Kuya Sid, free po ba kayo ngayon?" tanong nito sa'kin.


Ngumiti ako. "Oo naman. Pasok ka."


Si Theo ay mas bata sa akin ng dalawang taon. Taga-Ezperanza rin ito. Kakilala ni Nanay ang tiyahin niya, at sila ang nagpakilala sa akin kay Theo. Mabait naman siya dahil nakikita ko siya paminsan-minsan sa palengke na nagtitinda ng asin, kaya kinuha ko na. 


Inabot sa'kin ni Theo ang Iced Americano. Tinanggap ko ito at naupo sa kama para makinig sa kanya.


"Ms. Calyn contacted me. Your evening shoot is canceled daw po dahil nagkaroon ng problema. Irereschedule na lang po nila ito kapag naayos na. After this, pwede na po kayong umuwi."

Memories Begin in SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon