Pagbalik namin sa bahay, agad akong dumiretso sa kwarto ko para humiga. Pagod na pagod ako, pero hindi ako makatulog. Iniisip ko pa din ang sinabi at inakto ni Maki kanina.
Paano niya nakalimutan 'yon? Paano n'ya nagawang kalimutan 'yon?
Sa anim na taong wala siya, 'yon ang laging pumapasok sa isip ko. Hanggang sa panaginip ko, dinadalaw ako noong pangyayaring 'yon.
Paano ko naman kasi hindi makakalimutan 'yon? First kiss ko 'yon, e! At alam kong first kiss niya rin 'yon!
Ang sakit na hindi niya 'yon maalala. O baka naman naaalala niya, ayaw lang niya aminin.
Napa-buntong hininga ako bago pinikit ang mga mata ko. Ayoko na siyang isipin. Tapos na rin naman 'yon. Matutulog na lang ako.
Sa sobrang pagod ko, alas-otso na ako ng gabi nagising. Madilim na ang buong kwarto nang minulat ko ang mata ko kaya tumayo ako para buksan ang ilaw. Wala pa ako sa wisyo bumaba kaya umupo lang muna ako sa kama ko at nagcellphone. Pagbukas ko ng cellphone ko, bumungad sa akin ang text ni Sienna.
Sienna: Hey. Are you busy? Let's have dinner.
Agad akong nagreply. Wala naman akong gagawin ngayong gabi. Medyo masakit ang binti ko, pero ayos lang. Ayoko rin namang ma-tengga dito sa inn, lalo na't nandito si Maki.
Sid: sigee. puntahan na lang kita sa inn niyo
Tumayo na ako para magbihis. Medyo malamig sa labas kaya nagsuot ako ng blue na sweatshirt. Hindi na ako nagpalit ng pambaba. Maayos pa naman ang shorts ko. Pagkatapos kong magpabango ay lumabas na ako ng kwarto.
Napansin ko ang pintuan ng kwarto ni Maki paglabas ko. Sarado ito. Pinakiramdaman ko saglit ang paligid kung may maririnig ako kaluskos, pero wala. Mukhang tulog rin siya.
Mukhang lahat din ng nasa inn ay tulog. Madilim at tahimik ang paligid noong bumaba ako. Hindi naman ako nagtaka. Sobrang nakakapagod talaga ang ginawa namin nitong mga nakaraang araw. Ngayon na nga lang ulit ako naglakad ng ganoong kalayo.
Tahimik akong lumabas ng inn. Hindi naman malayo ang inn nila Sienna. Halos magkapit-bahay nga lang kami, kaya hindi ako napagod sa paglalakad. Okay na rin dahil nahanginan ako.
Nang makarating ako sa kanila, naabutan ko siyang naghihintay na sa labas.
"Kanina ka pa diyan?" tanong ko paglapit ko. Medyo malamig kasi sa labas. Nakakahiya naman kung naghintay siya ng matagal dito.
"Yeah, but it's fine. I wanted to have some fresh air kaya lumabas ako." pag-ngiti niya sa'kin.
Tumango ako. "Sige, Tara na."
Naglakad lang kami papuntang restaurant. Mabuti na lang at may nakatayong kainan malapit sa'min. Hindi na namin kailangan pang pumunta ng bayan para kumain. Delikado na rin. Mamaya, may mang-issue pa sa'min.
BINABASA MO ANG
Memories Begin in Summer
RomanceMakisig Daniel Kim thought his good memories of summer ended when his family decided to move to Philippines. Luckily, Isidro Benjamin Delicadeza, his new neighbor, offered to help him make new memories before he went back to Korea for his dreams.
