"Hala, naka-alis na si Makisig, Isidro. Sumabay sa Mama niya papuntang palengke."
Kumunot ang noo ko. Umalis na siya? Hindi na niya ako hinintay?
"Ahh... Sige po. Salamat po, Lola Mely."
Naguguluhan akong umalis ng bahay ni Maki. Hindi naman siya umaalis noon nang hindi ako kasama. Palagi niyang pinauuna si Tita Joanna sa palengke dahil magkasabay nga kami. Bakit hindi niya ako hinintay ngayon? May nangyari kaya?
Sinilip ko ang messages namin dahil baka may sinabi siya sa'kin na nakaligtaan ko, pero wala naman. Nagrefresh pa ako ng paulit-ulit, pero wala din.
Pagdating ko sa palengke, agad akong dumiretso sa pwesto nina Maki. Papalapit na ako sa kanila nang magkasalubong ang mga mata naming dalawa. Bakas ang gulat sa mukha niya. May binulong siya saglit kay Tita Joanna, bago siya nagmamadaling umalis ng tindahan.
Mas lalo tuloy akong naguluhan. Iniiwasan ba niya ako?
"Tita Joanna, Magandang umaga po." pagbati ko nang makarating sa harap ng pwesto nila. "Saan po papunta si Maki?"
"Sabi niya, pupunta daw siya sa CR." sambit niya. "Teka, magkaaway ba kayo?" nagtatakang tanong niya.
Agad akong umiling. "Wala naman po kaming pinag-awayan, sa pagkakaalala ko."
"Eh bakit sa akin sumabay si Maki kaninang umaga? Hindi ba't kayo ang laging magkasabay pumunta rito?"
Kinibit ko ang balikat ko, "Hindi ko po alam. Nagulat nga rin po ako, e..."
"Hay nako. Minsan talaga, hindi ko maintindihan 'yung batang 'yon. Hayaan mo, tatanungin ko pagbalik. Pumunta ka muna sa inyo at mukhang kailangan ka ng Nanay mo."
Dismayado akong ngumiti. "Sige po."
Nagpaalam na ako at pumunta sa pwesto namin sa Isdaan. Maya-maya ay bumalik si Maki. Pinanood ko siyang kausapin ni Tita Joanna, pero nagkibit balikat lang ito at bumalik na sa pagtatrabaho. Kinabahan tuloy ako bigla. Mamaya, may nagawa pala ako ng hindi ko alam.
Tatanungin ko na lang siguro siya mamaya.
Sinubukan kong abalahin ang sarili ko para bumilis ang oras. Hindi ako mapakali! Gustong gusto ko nang tanungin si Maki kung ano ang problema. Ayoko kasi ng ganito, 'yung magka-away kami. Isang buwan na lang siyang narito sa Pilipinas, kaya gusto kong sulitin ang bawat araw na mayroon ako kasama siya.
Pagsapit ng tanghali, mabilis akong pumunta sa pwesto nila. Akala ko ay maaabutan ko siya, pero nauna na siyang umalis kasama sina Kath at Gela.
"Silipin mo sa Karinderya nina Eli, baka naroon siya." saad ni Tita Joanna. Nagpunta ako sa karinderya, pero hindi ko rin siya naabutan.
"Nagmamadali ngang umalis, e... Ewan ko kung bakit. Nag-away ba kayo?" tanong ni Eli.
BINABASA MO ANG
Memories Begin in Summer
RomanceMakisig Daniel Kim thought his good memories of summer ended when his family decided to move to Philippines. Luckily, Isidro Benjamin Delicadeza, his new neighbor, offered to help him make new memories before he went back to Korea for his dreams.