"I don't know if I told you this before, but... I actually met an accident when I was a child. That accident took my dad's life away." pagkwekwento niya sa akin, " Maybe... You'll think I was lucky to survive, but my survival cost me a lot. I ended up having a brain injury that led me to have Anterograde Amnesia. It's an amnesia where I can no longer form new memories."
Tahimik lang akong nakikinig sa kanya, hindi alam ang sasabihin. Paulit-ulit sa utak ko ang salitang Anterograde Amnesia. Hindi pamilyar sa akin 'yon. Ang naunawaan ko lang ay may amnesia siya.
Parang sirang plaka ang salitang amnesia sa utak ko. Kaya pala...
Kaya pala ang bilis niyang makalimo. Kapag tinatanong ko siya kung naaalala niya ang nakaraan namin, madalas ay wala siyang naisasagot. Nagtataka rin ako kung bakit kakaiba ang trato niya sa akin. Minsan ay umaakto siya na para bang hindi niya ako kilala, o bago lang ako sa paningin niya. Lalo noong una kaming magkita ulit, takang-taka ako kung bakit ang gaan ng pakikitungo niya sa akin.
Iyon pala ang dahilan. Dahil may amnesia siya.
"There's no cure for amnesia." pagtutuloy ni Maki. "I only rely on maintenance to lessen the severity of my prognosis. But soon, it will worsen. I will forget everything. My friends, my family, and you..."
Patuloy lang ang pagtulo ng luha ko. Nasasaktan ako para kay Maki. Hindi ko alam na ganito pala kahirap at kasakit ang dinadanas niya. Kaya pala ang ilap niya sa mga tao noon, dahil takot siyang masaktan sila.
"Maybe today, the memories I've shared with you are visible and clear. But soon enough, they will vanish in my mind. The next thing I knew, I forgot you again."
Ibinaba ni Maki ang ulo niya at humagulgol. Tumayo ako sa upuan ko at lumuhod sa harapan niya para punasan ang luha niya. Tumutulo rin ang luha ko habang pinapanood siya. Ang sakit... Ang sakit na makitang ganito si Maki.
Maya-maya, itinaas niyang muli ang mukha niya. Sobrang pula na ng mata niya kakaiyak, pero hindi pa rin tumitigil ang luha niya sa pagtulo.
"Believe it or not, but I loved you. And I still love you. My mind may forget everything, but my heart can always recognize you, Sid..."
Ngumiti ako ng bahagya habang hawak ang mga pisngi niya, pinupunasan ang luha niya. Masaya ako na marinig na mahal niya ako. Ang tagal ko ring hinintay 'yon, e... Ang tagal kong hinanap ang kasagutan na 'yon.
Noong hindi ko pa siya nakakasamang muli, gabi-gabi kong iniisip kung totoo ba ang lahat ng ipinaramdam niya noon sa akin. Palagi akong napapa-isip kung minahal niya rin ba ako, kung binabaliw ko rin ba siya gaya ng ginagawa niya sa akin. Sa mga gabing ganoon, hirap na hirap ako. Ang hirap hanapin ang sagot kung matagal ka nang nilisan nito.
Ngayong narinig ko ang salitang matagal nang hinihintay, gusto kong matuwa ng sobra. Pero hindi ko magawa. Ang hirap maging masaya kung sa ganitong paraan niya sasabihin sa akin na mahal niya ako. Ayokong umiiyak siya ng dahil sa akin. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito, nahihirapan at nasasaktan. Hindi ko pala kaya... Hindi ko kayang nagdudusa si Maki.
![](https://img.wattpad.com/cover/331817159-288-k168521.jpg)
BINABASA MO ANG
Memories Begin in Summer
RomanceMakisig Daniel Kim thought his good memories of summer ended when his family decided to move to Philippines. Luckily, Isidro Benjamin Delicadeza, his new neighbor, offered to help him make new memories before he went back to Korea for his dreams.