Chapter 7: Maki

53 1 0
                                    

"Tara na, Maki. Kain na tayo." 


I nodded before going outside. Both of us quietly walked together towards the karinderya.


I still don't know how to talk to him. Naguguluhan kasi ako. I don't know if he's mad at me or not. Minsan, ang seryoso niya. Madalas naman, umaakto siya na parang walang nangyari. 


Pagdating namin sa Karinderya, nakita ko ang mga kaibigan ni Sid na naka-upo. Wala pang pagkain sa table nila. They're probably waiting for us. 


"Umahon ba ang kapatid ni Ariel dito? Tangina, bakit ang lansa?" reklamo ni Vic pagdating namin. I  secretly smelled myself, pero okay naman ang amoy ko. 


Ayan na kasi si Sid." France said. She's the first one who saw us dahil nakaharap siya sa entrance ng kainan. 


"Si Isidro, ang bisugo na nagkatawang tao." saad ni Sinag.


"Amen." Leonel replied. 


Sid pouted before seating beside Vic. "Grabe na talaga mga tao ngayon. Harap-harapan na kung manlait."


"Hindi kasi kami katulad mo na patalikod tumira." sagot ni Vic.


"At kailan kita tinira patalikod?!" 


"Oh my god, Sid." I said as I hide my face with my hands. 


 Masyadong napa-lakas ang boses ni Sid, which earned us dirty looks from everyone. All of us looked away, while he's still clueless of what he did. 


"Umorder na nga tayo. Hindi natin kilala 'yan, ha? Anong ulam gusto mo, France?" tanong ni Sinag. 


"Giniling na lang." sagot ni France sa kanya. 


"Sama ako sa'yo, Sinag. Iwan natin 'tong malibog nating kaibigan kay Leonel. Siya na bahalang maglinis sa nilulumot na pagkatao nitong gagong 'to." Vic stood up and went to the counter with Sinag. 


"Ikaw, Maki? Anong kakainin mo?" France asked me. 


"I don't know. I should probably check-"


"Ako na!" pagputol ni Sid sa'kin. "Anong gusto mo?" 


I shrugged my shoulders. " Ikaw na bahala." 


He nodded before following Vic and Sinag on the counter. Tahimik din siyang sinundan ni Leonel-- leaving me and France sitting at the table. 


"Hello, Maki..." nahihiyang sabi ni France.


"Hi." I smiled at her. France looked so cute and innocent with her braided hair and glasses. She was wearing a yellow peplum top and denim shorts. It was simple, but it suits her.

Memories Begin in SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon