"H-ha?!"
Nanlaki ang mata ko nang sabihin niya 'yon. Hindi ko naman kasi ineexpect! Sabi niya noong isang linggo, bawal kami maging magkaibigan. Ngayon, bigla-bigla na lang niya akong tatanungin ng ganon!
Gulong-gulo na ako! Baka bukas, offeran na ako nito ng kasal, ha!
Okay lang, cute naman siya.
"Ayaw mo ba?" kaswal niyang tanong.
Mabilis akong umiling. Mamaya, bawiin pa niya.
Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ko na maging kaibigan si Maki. Pwede ko naman siyang hindi pansinin. Pwede din naman akong tumanggi noong pinakiusapan ako ni Tita Joanna na samahan siya.
Ewan ko ba. Para kasing ang lungkot-lungkot niya. Masungit siya kapag tinignan mo sa una, pero may something akong napansin sa mata niya. Hindi ko lang matukoy kung ano.
Parang kailangan niya ng kasama, hindi niya lang masabi. Baka nahihiya.
Sabi sa'kin ni Nanay, iisa lang daw ang kaibigan ni Maki. Naiwan pa daw ito sa Korea, kaya wala talaga siyang kaibigan dito. Ang lungkot kaya noon! Maisip ko pa lang na wala ang mga tropa ko, kahit lagi nila akong inaasar, parang hindi ko kakayanin.
Kaya heto, sinasamahan ko pa din siya kahit sobrang tahimik niya. Sa una lang naman 'yan. Kapag naging close kami, baka mas madaldal pa siya sa'kin. Ganoon si Leonel at France, e. Tahimik pa rin naman sila, pero sobrang kulit nila kapag kami ang kasama.
Worth it naman pala ang pagsama ko sa kanya. May plano pa naman sana kami nina Sinag na manood ng laro nila. Nagpass ako kasi nga niyaya ako ni Maki. Okay lang naman. Paniguradong vivideohan naman ni France kung paano ma-bangko ang bestfriend niya. Papanoodin ko na lang mamaya.
Saan ka pa, Maki? Wala pang tayo, pinipili na kita. Sana ako, ma-choose na din soon.
"So... Tell me about yourself." sambit niya sa'kin habang kinakain ang isaw niya. Mukhang nagustuhan naman niya ang lasa dahil paubos na 'to. Kung hindi pala ako ang naunang kumuha, baka hindi ako nakatikim.
"Ano bang gusto mong malaman?" tanong ko sa kanya. Wala namang interesting sa buhay ko, bukod sa mukha ko. Hindi ako anak ng CEO, at mas lalong hindi ako anak ng isang Mafia boss. Wala akong pang-MMK na storya. Bubble Gang, pwede pa.
"Anything." sagot niya. "Oh... I heard you had an ex?"
Muntik ulit akong mabulunan sa narinig ko. Nakaka-ilan na 'to ha! Balak ba talaga ako nitong patayin?! Isa pa, kanino naman nanggaling 'yon?!
"Ako? May ex?" halos 'di ko makapaniwalang sabi. "Wala ah! Chismis lang 'yon!"
"Really?" Tinaas niya ang isa niyang kilay, para bang hindi naniniwala na wala nga akong ex.
BINABASA MO ANG
Memories Begin in Summer
RomanceMakisig Daniel Kim thought his good memories of summer ended when his family decided to move to Philippines. Luckily, Isidro Benjamin Delicadeza, his new neighbor, offered to help him make new memories before he went back to Korea for his dreams.
