"Isidro! Tumayo ka na diyan! Sisimba pa tayo!"
"Opo!" sigaw ko.
Nag-unat ako ng buong katawan bago bumangon. Kinuha ko ang tuwalya ko pati ang damit ko pangsimba bago lumabas ng pinto. Sakto, sabay kaming lumabas ni Bella ng pintuan. Parehas kaming nagkatinginan, bago tumakbo papuntang CR. Syempre, ako ang nanalo.
"Kuya! Ako muna!" sigaw ni Bella habang nakatok sa pintuan ng banyo namin.
"Ako ang nauna, 'di ba? Maghintay ka diyan!" saad ko habang sinasabit ang tuwalya at damit ko sa likod ng pinto.
"Mabilis lang ako, promise!"
Natawa ako. Jokester pala 'tong kapatid ko, e! "Bulok pa sa ngipin mo 'yang mga salita mo, Bella! Narinig ko na 'yan!"
Narinig ko pa siyang nagreklamo, pero hindi ko na siya pinansin. Maya-maya tumahimik na ang paligid. Nagsawa na yata siya. Wala din naman siyang magagawa. Alam niyang hindi siya mananalo sa'kin. Kuya perks, hehe.
Lumabas na din ako agad pagkatapos kong maligo. Paglabas ko, sumalubong sa'kin ang masamang tingin ni Bella habang naka-krus ang mga braso nito. Nilabas ko lang ang dila ko at nagtungo na sa kwarto ko para mag-ayos. Ayaw kasing aagahan ang gising, e.
Suot ko ang gray kong polo at black pants. Nagpabango lang ako gamit ang Bench Atlantis ko, bago sinuot ang sapatos ko. Dahil marami pa kong oras, ako muna ang nagbantay kay Isagani habang nag-aayos si Nanay.
Tatlumpong minuto pa bago ang misa, pero nasa simbahan na kami at naghahanap ng upuan. Kasama na rin namin ang mga tropa ko. Si France, kasama ang mga magulang niya. Si Vic at Sinag naman, nagpunta dito ng mag-isa. habang si Leonel ay dumiretso roon sa kampanaryo. Sakristan kasi.
Medyo madami nang tao, pero hindi pa puno ang simbahan. Halos puro mga lolang amoy sampaguita at naka-avon lipstick pa lang ang naka-upo. Cute nga, e. Halos lahat sa kanila, naka-floral. Nagusap-usap kaya sila na ganoon ang susuotin nila tuwing misa?
"Sina Maki 'yon, 'di ba?" turo ni Vic.
Tumingin ako sa tinuturo ni Vic. Si Maki nga 'yon, pansin ko agad 'yung mahaba niyang buhok, e. Katabi nito si Aling Mely at isang matandang babae na hindi ko kilala. Baka naki-upo lang;
"Halika! Doon tayo maupo." Hinila ni Nanay si Yumi at nagpunta doon sa inuupuan ni Maki. Kasama nito ang buong pamilya niya sa pagsimba.
Tumabi si Nanay kay Tita Joanna, habang si Bella ay kay Yumi tumabi. Sa dulo naman pumwesto si Tatay kasama si Tito Jojo habang kalong niya si Isagani. Wala nang bakante sa kanila, kaya siniksik ko na lang sarili ko sa tabi ni Sinag at Vic dito sa likod. Saktong pag-upo ko, umalis 'yong katabi ni Maki at lumipat sa harapan.
"Doon ka na umupo, Sid. Dali! Nasisikipan ako!" reklamo ni Vic sabay tulak sa'kin. Humawak naman ako doon sa maliit na mesa sa itaas ng luhuran para kumuha ng suporta.
"Ayoko nga!" bulong ko. "Ikaw na lang kung gusto mo."
Nahihiya akong tumabi kay Maki! Ewan ko ba, pero natatakot talaga ako sa kanya! Pakiramdam ko, iju-judge niya pati paghinga ko. Lagi naman akong nagsisipilyo!
Hindi ko nga alam kung paano ko siya nagawang kausapin kanina. Nilibre ko pa ng ice cream! Nakakaproud naman kasi talaga. Ang galing niyang kuya kay Yumi. Talagang nanatili siya sa labas kahit na mainit, masamahan lang ang kapatid niya.
Wala lang, ang gwapo lang ng mga ganoon para sa'kin.
" Lumabas na kayo noong isang araw, 'di ba? Mas close kayo noon! Dali na!" pagpipilit sa'kin ni Vic. Nilakasan pa ang pagsiko sa'kin! Mas lalo ko tuloy hinigpitan ang kapit ko. Bahala siya diyan!
![](https://img.wattpad.com/cover/331817159-288-k168521.jpg)
BINABASA MO ANG
Memories Begin in Summer
RomanceMakisig Daniel Kim thought his good memories of summer ended when his family decided to move to Philippines. Luckily, Isidro Benjamin Delicadeza, his new neighbor, offered to help him make new memories before he went back to Korea for his dreams.