Dear Diary,
Sinulat muna kita sa papel. Sa likod ng notebook ko. Kinuha kasi ni Mama 'yung diary ko. Di ko alam kung bakit. Di ko din alam kung binasa niya. Sana hindi. Nahihiya ako. Malalaman niya mga sinusulat ko sayo. Sana ibalik ka na niya kasi nasanay na ko sulatan ka. Wala na si Karen, wala na din si Papa. Hindi ko alam kung san sya pumunta. Hindi ko din alam bat lagi umiiyak at galit si Mama. Tapos sa school, inaaway ako ni John. Yung seatmate ko. Nakaupo ako sa tabi ng bintana. Kapag dadaan ako sa tabi niya, ayaw niya kong padaanin. Di ako makalabas. Sinusuntok niya ko. Sinumbong ko na siya kay Ma'am Esplera pero wala ginagawa si Ma'am. Di ko naman masabi kay Mama mas magagalit na naman siya. Di ko lam bat parati siyang galit sakin.
Ang lungkot ko, diary. Sana bumalik ka na. Ikaw lang ang kaibigan ko. Iyak ako ngayon habang nandito sa likod ng CR. Namimiss na kita...
![](https://img.wattpad.com/cover/10764380-288-k540563.jpg)
BINABASA MO ANG
The Awesome God
Espiritual"What no eye has seen, nor ear heard, nor the heart of man imagined, what God has prepared for those who love him." 1 Corinthians 2:9