One Date with J: The Parable

625 25 5
                                    

Psst!

Psst!

Halika, may ikukwento ako sa'yo. Importanteng kwento.

Ang kwento ng buhay ko.

Psst! Halika, makinig ka.

Alam mo ba noong nabubuhay pa ako, napaka-ideal ng buhay ko. Nasa akin na ang lahat ng bagay na pinapangarap mo. Napakayaman ko at kinaiinggitan ako ng marami. Kumbaga sa panahon mo ngayon, kaya kong bilhin ang lahat ng bagay na gusto ko. Mapa-gadgets, damit, sasakyan, pagkain, alahas, makapag-travel sa iba't-ibang lugar at bansa, pumarty, alak, droga at kahit bumili ng tao kaya ko! Napaka-luxurious ng buhay ko.

Haha! Ganyan ako kayaman! Hindi ko problema ang pera. Pera ang namomroblema sa'kin kasi hindi ko alam kung saan ko pa sila ilalagay. Ang yaman ko, 'di ba?

Pero alam mo, kahit ano'ng yaman mo pala may hangganan ang lahat. Lalo na ang buhay. Namatay ako. Magkasabay pa kami nung pulubing lalaking parating nasa tabi ng gate ng bahay ko. Kilala ko siya pero ayoko siyang lapitan kasi punung-puno siya ng sugat sa katawan. Dinidilaan na nga ng mga aso 'yung mga sugat niya. Nakakadiri siyang tingnan.

At ayun nga, namatay kaming parehas.

Dumating 'yung oras na dinala siya ng mga anghel sa tabi ni Abraham. 'Yung pulubing 'yun na napaka-hopeless na nang itsura, ngayon ay maginhawa ang buhay. Wala nang mga sugat sa katawan at masaya. Nakakain na niya ang lahat ng gusto niya, may natutulugan at maganda ang damit.

Pero ako...ako na dating nasa akin na ang lahat ay nandito ngayon, naghihirap, natatakot, dito sa impyerno. Akala ko noon ganoon lang ang buhay. Akala ko noon habang buhay na akong magiging masaya sa klase ng buhay na meron ako. Na hindi ko dapat iniisip ang kinabukasan ko. Sabi nila, live your life to the fullest, kaya pumarty, nambabae, ginawa ko ang lahat ng gusto ko kasi minsan lang naman ako mabubuhay, gagawin ko na ang lahat ng gusto ko. Para kapag tumanda o namatay ako, wala akong pasisisihan. YOLO nga, 'di ba?

Pero hindi pala ganoon ang ibig sabihin nun. Hindi pala tungkol sa sarili ko ang buhay ko. Hindi ko pala dapat sinayang ang mga oras ko. Nagkamali ako. Dapat pala nakinig ako. Dapat pala tumanggap ako. Binalewala ko. Ngayon, nagsisisi ako.

Pero huli na ang lahat.

Katulad ng kasabihan, nasa huli ang pagsisisi.

Ngayon nandito ako sa lugar na hindi mo nanaising mapuntahan pag namatay ka. Isang lugar na hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa'yo ng maayos. Basta higit pa siya sa mga nakakatakot na pelikulang napanuod mo. Higit pa sa sakit na naranasan mo. Mainit. Sobrang init. Naglalagablag na init. Sinusunog ang buong kaluluwa mo. At walang katapusan. Walang pahinga. Sabi ng mga kasama ko dito, ganito na daw kami magpakailanman. Ang dinadanas namin ay wala nang katapusan.

Nakakatakot rito. Ang tanging maririnig mo ay tunog ng naglalagablab na apoy at ang ungol at walang katapusang sigaw at hiyawan sa sakit ng mga kaluluwang tulad ko, piniprito ng buhay. Kahit ano'ng sabihin o pagsisisi pa ang gawin mo sa lugar na ito, wala nang silbi.

Hindi ko alam kung ilang oras na ako sa pagkakalublob kong itong sa kumukulong apoy. Sabi nang katabi ko, segundo palang daw. Kakarating ko lang daw. Lalo kong ikinatakot iyon. Dekada na ang pakiramdam ko sa sakit na nararamdaman ko, segundo palang pala iyon. Pakiramdam ko, malapit ko nang ikabaliw ito, tulad ng itsura ng katabi ko. Pero walang mababaliw rito. Aware ka sa lahat. Sa lahat ng anguish at tormenting na mararanasan mo. Alam mo bang meant to be ka rin sa lugar na ito.

Sinusubukan kong makiusap kay Abraham, baka maawa siya sa akin at utusan niya si Lazarus---'yung pulubing kasabay kong namatay---na isawsaw sa tubig ang dulo ng kanyang daliri at basain ang dila ko. Sobrang naghihirap na ako sa apoy na ito. Kahit patak lang ng tubig sa lalamunan ko, kahit sandali lamang, magiging malaking kaginhawaan na sa akin. Maranasan ko man lang makainom ng tubig at mapawi ang matinding uhaw na nararamdaman ko.

The Awesome GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon