One Date with J: Chapter 1

5.2K 172 11
                                    

1996

"Oliveeee!"

Boses ni Mama. Narinig kong tinatawag niya ko mula sa kusina. Nasa likod ako ng bahay at naglalaro. Binitiwan ko ang hawak kong paper doll at nagkukumahog na pumasok sa loob ng bahay. Naririnig ko ang kiskisan ng mga plastic bag na dala niya mula sa pamimili sa palengke.

Nakangiting iniabot sa akin ni Mama ang isang notebook. Ginulo niya ang buhok ko.

"Para hindi mo na ginagawang papel ang mga old pictures at wedding photos ni Mama at Papa," sabi niya.

Nagtatakang tinitigan ko ang manipis na notebook tapos tumingala kay Mama. "Angawin ko dito, Mama?"

"Sulatan mo. Isulat mo diyan lahat ng gusto mo. Ikwento mo kay Diary ang lahat ng gusto mong ikwento at lahat ng nangyayari sa'yo. Gawin mo siyang bagong kaibigan."

"Dairy?"

"Da-ya-ri," natatawang pagtatama ni Mama sa akin, ginulo ulit ang buhok ko at nagsimula ng magluto ng tanghalian naming dalawa.


Excited na umupo naman ako sa hapag-kainan namin at nagsimulang buklatin ang notebook. First time ito na binili ako ni Mama ng notebook na hindi para sa school. Sa akin ang notebook na ito at hindi ko kailangan ipakita kay Teacher.


Dear Dairy,

1 linggo ngayon ng May. Mainit. Sarap mag-halo-halo. Pero ayaw ni Mama kasi baka ubohin na naman daw ako at magka-tonsilaystis. Pero sarap talaga 'yun. Binili ni Mama 'tong notbuk ko nina. Gustong gusto ko kasi ganda ng picktur. May babae nakaupo sa maliit na bundo tapos katabi aso niya. Nakaturo siya sa ulap tapos may nakasulat na "Tok tu mi." Naiisip ko kami 'yun ni Kobi kaso balbon 'yung aso tapos cute tapos si Kobi galisin. Tapos tigas pa ng unahan ng notebook. Kahit wala patungan pwede sulatan. Saka wala spirngs. Ganda!

Sabi ni Mama isulat ko daw dito lahat ng gusto ko. Kwento ko daw lahat ng gusto ko para paglaki ko daw mababasa ko mga nangyari. Taym mashin! Galing!

Kaya simula ngayon suslatan na kita dairy. Ayan lang muna kasi una palang. Saka kakatamad pala magsulat. Frend na tayo dairy ha!

Gunayt, Dairy!

The Awesome GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon