One Date with J: Chapter 15

2.9K 119 21
                                    

Two months later...


Dear Lord, 


Today is the first day of my chemotherapy. Nandito ako sa waiting room. Naka-uniform pa sa bangko kahit ang totoo, naka-leave ako. Ayoko kasing malaman ni Olive. Alam mo naman ang batang 'yun, Lord, drama queen... Gusto kong isipin niyang pagod at nagkakasakit lang si Mama dahil sa trabaho. Para makonsensya siyang mag-aral ng mabuti. Haha! Joke! Ayoko lang pong makahalata siya na may nangyayari sa akin. Hindi ko siya kayang idamay. Sasarilinin ko ang bagay na ito hangga't kaya ko. Tutal, andiyan ka naman. Alam kong kaya ko ito basta kasama kita. Ayokong sirain ang masaya at makulay na buhay ng anak ko, Lord. Gusto kong maranasan niya ang isang memorable na teenage life.


Alam kong nababasa mo ang mga sulat ni Olive. Hindi ko alam kung ano'ng laman ng mga iyon. Ikaw at ang anak ko lang ang nakakaalam nang laman. Sulat niya iyon para sa'yo eh. Pero alam kong mga mahahalagang bagay iyon sa buhay niya na hindi niya kayang ibahagi sa ibang tao. Mga sikreto. Ikaw ang nagturo sa aking magsulat sa iyo, hindi ko naiintindihan noong una, pero ngayon alam ko na. Naipasa ko siya sa anak ko at malaking tulong iyon sa kanya. Salamat, Panginoon.

Alam kong hindi ako naging mahusay na ina kay Olive. Napakarami kong pagkukulang sa kanya. Hindi pala madaling maging magulang. Hindi pala madaling magpalaki ng isang bata. Naiintindihan na kita. Naiintindihan ko na rin kung bakit pinahinto mo ang demanda. Kung paano ko napatawad ang Papa niya.

Sa ngayon, Lord, okey na ko. Kung iisipin, handa na ko. Hindi ako takot mamatay. Kung tutuusin ayoko nang ituloy ang chemotherapy na ito. Pero gusto kong lumaban, alang-alang kay Olive. Alang-alang sa paghahanda sa kinabukasan niya. May mga bagay man akong hindi magawa, alam kong nandiyan ka. Mahal na mahal mo ang anak ko. Alam kong hinding-hindi mo siya pababayaan. Sana kayanin ko hanggang sa makatapos siya, kahit itong sa high school lang.  

Somehow, nakakalungkot, Lord, kasi alam kong hindi ko na siya maaalagaan, hindi ko na makikita ang pagdadalaga niya. Ang magiging first boyfriend niya, first job, kahit ang pag-aasawa niya o kapag siya naman ang magiging nanay na. Alam kong wala na ako n'on sa tabi niya. Pero sina-submit ko sayo ang lahat, Panginoon. Hindi man ako naging mahusay na magulang pero alam ko higit pa sa mga nagawa ko bilang magulang ang magagawa mo para sa kanya. 

Ang tanging dasal ko lang, Lord, kung ipahihintulot mo, turuan mo siyang magmahal. Maranasan niya ang tunay na pag-ibig. 'Yung klase ng pag-ibig na hindi niya matututunan sa iba. Sa iyo lang. Bigyan mo siya ng isang love story na hinding-hindi niya makakalimutan.

Alam kong wala nang mas hihigit pa sa buhay na ito kundi ang makilala ka. Katulad noong makilala kita. Tulad noong binago mo ang buhay ko. Tulad noong binigyan mo nang kahulugan ang lahat. Tulad noong tinuruan mo rin akong magmahal ng totoo.

Isang love story, Lord. Isang love story para sa anak ko. Sana dumating ang panahon na ma-meet ka din ni Olive...nang personal.

Huling sulat na ito ng buhay ko sa'yo, Jesus. Lalabanan ko ang sakit na ito pero hindi ko rin itatangging hindi na rin ako makapaghintay na makita ka. Na makasama ka. I know and I believe we will meet in Heaven. Maraming maraming salamat sa lahat. Please, give me strenth for my daughter.

Mahal na mahal kita, J.

Forever Yours,

Maricar 

The Awesome GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon