"But he was wounded for our transgressions; he was crushed for our iniquities; upon him was the chastisement that brought us peace, and with his striped we are healed." Isaiah 53:5
"Alam mo bang hindi ako kumakain dito sa Jollibee?" sabi ko kay Julianna habang magkatabi kami sa mesa sa loob ng Jollibee. Nilalaro ko sa isang kamay ang plastic fork para sa spaghetti.
Natigilan sa'kin si Julianna na may bahid pa ng sauce ng Jolly spaghetti ang gilid ng bibig. Parang gutom na gutom ang babae. Parang sampung taon na nawalay sa fast food. "H-ha? 'Di nga?"
Pasimpleng tinitigan ko siya. Minsan naiinggit pa rin ako sa babaeng ito. Magkaibang-magkaiba kami. Mas sopistikada akong tingnan at mas mukhang edukada, samantalang simpleng shirt at naka-pantalon lang siya. Ni walang suot na make up. Pero hindi ko mahanap kung saan nanggagaling yung kakaibang ganda at graceful actions na meron siya. Bakit hindi nauubos ang ngiti? Bakit parang ang gaan-gaan ng buhay sa kanya? Bakit parang wala siyang problema? Bakit lagi siyang may oras? Bakit ang bait-bait niya sa akin? Sa lahat?
Tumuwid ng upo si Julianna. "Grabe ka, Olives! Hindi mo naman sinabing hindi ka kumakain sa ganito. Sosyal na kasi ito sa'kin. Pasensiya ka na dito kita dinala, ito lang kasi ang can afford ko..." pinunasan niya ng tissue ang bibig. Inilabas na naman ang magandang ngiti. "Ano, lipat na lang tayo?"
Hindi ko siya sinagot. Tinitigan ko ulit ang plastic fork sa kamay ko. Hindi sa ayaw ko sa Jollibee. Hindi sa hindi ako kumakain ng pagkain nila. Pero malalim at madilim ang alaalang meron ako doon. Iyon kasi ang huling pagkain na naaalala kong kinain ni Tito Boy bago ko siya patayin.
Bago ko ipinutok sa ulo niya ang mismong baril ng Papa ko habang nag-aaway sila.
Walang nakakaalam niyon. Ako, si Mama at si J lang.
Kaya ayoko ng Jollibee.
"Have you ever heard of burnt offerings and sacrifices?" tanong sa'kin ni Julianna habang naglalakad na kami palabas ng Jollibee.
Inaayos ko ang strap ng shoulder bag ko. Nilingon ko siya. "Ha?"
"Maraming klase ng offerings and sacrifices. Ginagawa na iyon sa panahon palang nina Cain and Abel--'yung anak ni Adam and Eve. Pero mas in-explain ang lahat ng klase ng offerings and sacrifices sa Leviticus, sa panahon ni Moses. For example, 'yung animal sacrifice, ginagawa siya as atonement for sin ng mga tao..."
"Saan na naman papunta itong kwento mo, Julie?"
"Sa Old Testament, para mabayaran ang kasalanan ng mga tao, they do the animal sacrifice. They used goat, sheep and even birds as alay, ibibigay nila sa High priest 'yung animal sacrifice at iaalay naman ni High priest 'yung animal sa altar. Ipapasa nila 'yung kasalanan nung taong 'yun sa animal na isa-sacrifice."
"Ano nama'ng kinalaman ng hayup sa kasalanan ng tao? Bakit kailangang siya ang ialay or maging substitute sa kasalanan ng tao?" tanong ko.
"Mismo!" bulalas ni Julianna. "Tapos 'yung blood ni animal sacrifice, i-splash 'yun ni High priest against sa side ng altar, blood atonement ang tawag dun."
"For what? Bakit kailangan ni God ng blood?"
"Ting! Ting! Ting! Ang galing mo, Olives!" bulalas ulit niya. Pumalakpak pa. Pinagtinginan tuloy kami ng mga tao. Papunta kami sa terminal ng SM. "Di ba sabi sa Romans 6:23, For the wages of sin is..."
"Death..." dugtong ko, may kasama pang pag-roll ng eyeballs. Hundred times na niyang pina-memorize sa akin ang Bible verse na 'yun. Isapuso ko daw. Nguyain, pakaisipin, day and night.
BINABASA MO ANG
The Awesome God
Spiritual"What no eye has seen, nor ear heard, nor the heart of man imagined, what God has prepared for those who love him." 1 Corinthians 2:9