Julianna Esteves: Di ba nga sabi nila...ahh...ano nga ba 'yung sabi nila, minsan mas masarap magkwento sa stranger. Kasi hindi ka huhusgahan. Parang ganun!
Julianna Esteves: So, chika ka na.
Julianna Esteves: Imagine-in mo ako si Boy Abunda.
Me: ...
Me: ...
Me: Paano ako nakakasigurong ikaw nga 'yan at hindi ka nagpapanggap lang?
Julianna Esteves: Si Tito Boy?
Me: Iba-block kita
Julianna Esteves: hihi :D
Julianna Esteves: Sungit! Eto na!
Me: I want proof.
*Sent picture*
Me: Nasa bakasyon ka? Nasa tabing-dagat ka eh.
Julianna Esteves: Hindi. Nasa work ako.
Me: Sarap naman 'yang work mo. Nasa beach. Bigla kong na-miss ang dagat.
Julianna Esteves: Tahaha! Punta ka d2. Ay! Wag pala muna. Pero one of these days sana maisama kita rito.
Me: What do you do for a living ba?
Julianna Esteves: Isa akong teacher.
Julianna Esteves: Pero pupunta ako sa Manila next week. Nag-enroll ako for BLS at ACLS.
Me: Basic Life Support and Advanced Cardiac Life Support?
Julianna Esteves: Huwaw! Ba't lam mo?
Me: I'm a nurse.
Me: Unfortunately.
Julianna Esteves: Tahaha! Bakit naman unfortunately? Honorable na trabaho 'yun ha.
Me: I don't like it. Nag-aral lang ako dahil iyon ang pangarap sa akin ni Mama. Saka naisip ko lang nung nasa ospital siya. Gusto ko siyang maalagaan ng maayos. Kasi hindi ko alam ang gagawin kapag in pain siya. Gusto ko ring mag-alaga ng mga katulad niya. Para kunwari naalagaan ko pa rin siya.
Julianna Esteves: Oh...mukhang alam ko na ang nangyari.
Julianna Esteves: I'm sorry...
Me: Ok lang. Matagal na 'yun.
Julianna Esteves: Oh sige, kwentuhan mo na ko...handa na ang mga mata ko. Tahaha!
Me: Hmm...san ko ba uumpisahan?
Julianna Esteves: Try mo umpisahan mo sa dulo...siyempre kung paano kayo nagkakilala, eto naman!
Me: Sa kasal ng kapatid ni Maggie. Best friend ko. Ayaw kasi ni Maggie mag-abay. Ayaw niyang nagsusuot ng gown. Tomboy kasi 'yun. Pero hindi literal ha.
Me: Ako tuloy ang nakita ng kuya niya.
Me: Sa Tarlac ang kasal. Dumayo pa kami dun. Abay din si Alex kasi pinsan siya ni Maggie at ng ikakasal. Partner ko siya sa entourage. Sinadya nila na ipag-partner kami. Doon kami nagkakilala.
Me: Tapos tamang trip 'yung beautician na na-hire ng asawa ng kuya ni Mags. Nung mine-make-up-an ako, nag-suggest na gupitan din daw ako para mas lumutang ang ganda ko. Di daw bagay sakin ang mahabang buhok. Sabi niya, para mas magmukha daw akong bata, lalagyan daw niya ko ng bangs.
BINABASA MO ANG
The Awesome God
Espiritual"What no eye has seen, nor ear heard, nor the heart of man imagined, what God has prepared for those who love him." 1 Corinthians 2:9