One Date with J: El Shaddai (The All Sufficient God)

924 39 1
                                    

Pagkatapos nito, tumawid si Jesus sa ibayo ng Lawa ng Galilea, na tinatawag ding Lawa ng Tiberias. Sinundan siya ng napakaraming tao sapagkat nakita nila ang mga himalang ginawa niya sa pagpapagaling sa mga maysakit. Umakyat si Jesus sa bundok kasama ang kanyang mga alagad at naupo roon. Noon ay malapit ang Paskwa ng mga Judio (Passover, feast of the Jews.) Tumanaw si Jesus at nang makita niyang dumarating ang napakaraming tao, tinatanong niya si Felipe, (Philip) "Saan kaya tayo makakabili ng tinapay upang makakain ang mga taong ito?" Sinabi niya iyon upang subukin si Felipe, "Kahit na po halagang dalawandaang salaping pilak ng tinapay ay di sasapat para makakain sila ng tagkakaunti." Sinabi ni Andres na isa sa kanyang mga alagad at kapatid ni Simon Pedro, "Mayroon po ritong isang batang lalaki na may dalang limang tinapay na sebada at dalawang isda. Subalit sasapat kaya ang mga ito?" (John 6: 1-9)



Isda:

"Sasapat kaya ang mga ito?"

Ito? Ako? Kailan ba ako magiging sapat sa isang tao?

Hindi pa ba talaga sapat ang mga bagay na naibigay ko?

Kailan ba ako magiging tama na?

Paano mo masasabing kulang pa ang sobra?

Paano mo masasabing marami na ang kulang pa pala sa kanya?



Tinapay:

Tigilan ang paghugot, Bes.

Isa ka lamang dilis.

Malamang kulang ka.



Isda:

Grabe ka, Bes,

Alam ko naman ang halaga ko sa mundong ito,

Alam ko naman na pagkatapos akong gamitin,

Ipapakain lang din ako sa pusa ng kapitbahay mo.



Tinapay:

Nakakahiya naman sa'yo,

Ikaw ba ay minasa, binulog-bilog tapos ay pinagpasa-pasahan na?



Isda: At least, nagagawa kang pudding.



Tinapay: At least, hindi ka inaamag,

Tulad ng pag-ibig niya sa'yo.



Isda: Humopia ka kasi.



Tinapay: "There's a lot of fish in the sea," nakita kong post niya.



Isda: 

True friend ka talaga,

Imbes na gumaan ang loob ko, mas lalo mo akong nilulubog.



Tinapay:

Biro lang, Bes,

Masyado ka kasing seryoso,

Hindi naman kasi tungkol sa'yo ang tula na ito,

Tula mang maituturing ito.



Isda:

Hay, isa akong isdang malayang lumalangoy sa karagatan noon,

Isang likha ng Diyos,

Isang free-spirited creation na nagagawa ang nais,

Alam ang purpose sa buhay,

Degree holder at nagpaplano nang mag-masteral tungkol sa Ocean Sciences,

Ngunit nalinlang ng mundo,

Nabola ni Lambat,

Sabi niya, "Isa akong recruitment agency at pasisikatin kita,"

Matutupad na ang pangarap kong maging mahusay na mang-aawit, 

May pag-ibig pa mula sa kanya,

Ngunit hindi pala, heto ako ngayon, kasama ng isa pang isda,

Hinuli ng isang bata,

Ipapakain sa limang libong nagugutom ng Tagapaglikha,

Paano ko pipira-pirasuhin ang katawa'ng tinik ko palang toothpick lang ang katumbas?



Tinapay:

Huwag mong maliitin ang sarili, Bes,

Minsan ang Diyos gumagawa ng mga bagay na sa tingin ng iba, walang halaga, pero sa Kanya, maganda, (Genesis 1:31)

Sino'ng mag-aakalang sa isang dasal Niya, libu-libong tulad natin ang maipo-produce niya?

Sino'ng mag-aakalang mula sa limang tinapay at dalawang isda nabusog ang mga bata at matanda at may sobra pa?

Sa isang dasal lang, nakagawa muli ng milagro,

At ngayo'y isinisigaw nilang "Tunay na ito ang Propetang darating sa sanlibutan!" (John 6:14)

Pipilitin siyang gawing hari na kung alam lamang nila,

Siya ang Messiah, ang Hari ng mga Hari at magliligtas sa kanila!



Huwag ka nang malungkot dahil babawi para sa atin ang babaeng kasama ni Jesus,

Ang dahilan natin ay ipaintindi sa kanya'ng walang imposible sa Diyos,

Na kayang baguhin ng Panginoon ang kanyang buhay,

Tanggalin ang sakit sa kanyang pusong pagod na sa pag-asa,

Na hindi niya kailangang isipin ang mga problema,

Ang Diyos ang bahala sa pamilya at trabaho niya,

Sa pagkain, damit, pera at tirahan niya,

Kung ang simpleng tinapay at isda ay naparami,

Ano ba naman ang iba pang pangangailangan niya?

Kung ilalapit lamang niya kay Jesus ang lahat ng suliranin,

Wala siyang dapat ika-problema.



Isda:

Tama ka,

Ang kanyang talento, mga biyaya at buhay ay may paggagamitan,

Malapit na,

Malapit na niyang maintindihan ang lahat,

Ang ordinaryong babae ay magiging ekstraordinaryo,

Ang ordinaryong babae ay mauunawaan na ang purpose at worth niya,

Dahil makikilala na niya ng tuluyan ang lumikha sa kanya.

Tinapay at Isda:

Malapit na! Malapit na!

Ang Magandang Balita ay parating na!

Ang tunay na pag-ibig ay mararanasan na niya!

Ang buong kalangitan ay pigil-hininga,

Habang si Jesus Christ ay tutuparin na ang pangarap niya,

Ang dasal ng kanyang ina,

Ang maranasan ni Olivia ang tunay na pagmamahal,

Malapit na! Malapit na!



-Hugot ni Tinay at Blue Marlene (Five loaves and Two Fish)



The Awesome GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon