2003
Dear J,
First love never dies, nga ba?
Sabi nila, ang pinakamasayang parte ng buhay ng isang tao ay ang teenage years niya. High school. Sa pagitan ng puberty stage, pagdiskubre sa sarili, pagkakaroon ng mga bagong kaibigan o barkada at ang pag-usbong ng kakaibang kilig at damdamin sa isang tao.
Crushes para sa ilan, crush lang para sa akin.
Buong high school life ko, isa lang ang naging crush ko. Si Michael.
Alam mo 'yung pakiramdam tuwing papasok ka sa school na sadya kang dadaan sa classroom niya dahil nagbabakasakali kang makikita mo siya? Kahit nahihiya kang dumaan sa dami at ingay ng mga estudyante sa hallway, kakapalan mo ang mukha mo. Kahit nasa second floor ang classroom mo at hindi mo naman kailangang dumaan doon. Pasimple kang nakamasid sa paligid kung nasa labas siya. Kung wala naman ay medyo babagalan mo ang lakad at parang may special scanner ang mga matang nakatingin agad sa loob ng classroom para makita siya. Kailangang magawa mo ito sa loob ng dalawang segundo kundi, hindi buo ang araw mo.
Alam na alam ko kung saan siya nakaupo. Sa huling row sa tabi ng bintana. Mas maaga siya palaging pumapasok kaysa sa akin o sadya akong nagpapa-late para siguradong nandoon na siya.
Nakita kita. Kausap ang mga kaibigan mong isang mataba na maliit at isang matangkad na payat. Kilala ko sila, kilala rin nila ako, at magkakilala rin tayo. Pero sa loob ng tatlong taon natin sa high school, bilang ko lang sa isang kamay ang pagkakataong nakausap mo ako. Hindi kita matingnan ng diretso sa mga mata. Hindi ako makapagsalita kapag nandiyan ka. Kung magawa ko man, mukha ako palaging tanga. Kaya nagtitiyaga na lang akong masilayan ka.
Alam na alam ko ang pigura mo, kahit sa malayo, kahit side view o back view. Lalo na kapag left view dahil kapag ngumingiti ka lumalabas ang malalim na dimple mo sa kaliwang pisngi. Kasama ang mapuputi ang pantay-pantay na ngipin at ang bilugan na mga mata. Ang galing mo pang pumorma. Automatic, kinikilig ako.
Sandaling titigil ang mundo ko. Bibilis ang tibok ng puso at sa loob-loob ko, tumatalon at tumitili ako dahil sa'yo. Mamumula ang mga pisngi at bahagyang pagpapawisan dahil buo na ang araw ko. Kahit gaano kahirap ang Trigonometry at History, masaya ako dahil inspired ako sa araw na ito.
Naging simbolo ka ng feelings ng love para sa akin. First year, first day of school, nakilala na kita agad. Pero natorpe akong makipagkaibigan sa'yo. Ilang beses na naging magkatabi ang classrooms natin. Isang pader lang ang pagitan natin at tuwing tititig ako doon, tinatanong ko kung ano'ng ginagawa mo? Kung ano kaya ang pakiramdam kung walang pader na nakapagitan sa atin at nakikita natin ang isa't-isa? Paano kaya kung magkatabi tayo sa upuan? Kakausapin mo kaya ako? Magagawa ko kayang kausapin ka? O baka natunaw na lang ako.
Minsan ka nang nakipagkwentuhan sa akin. Sa text. Kunwari. Nagpanggap ang kaibigan ko bilang ako at nakipag-text sa'yo. Nakuha ko ang number mo mula sa slumbook na pinapirmahan nila sa'yo. Kinilig ako sa mga naging conversations ninyo dahil naramdaman kong magkaibigan tayo at espesyal ako sayo at umasa ang puso kong may pupuntahan itong nararamdaman ko sa'yo.
BINABASA MO ANG
The Awesome God
Spiritual"What no eye has seen, nor ear heard, nor the heart of man imagined, what God has prepared for those who love him." 1 Corinthians 2:9