One Date with J: Bitter or Better

2.4K 104 6
                                    

Where do broken hearts go?


Natapos ko na ang The Conjuring II. Naulit ko na din ang The Conjuring, pati na ang Insidious 1, 2 and 3. Napanuod ko na din ang Annabelle, Ouija, Don't Breathe, saka lahat ng Paranormal Activity at Zombie movies. Inulit ko na din ang Evil Dead pati A Quiet Place. Lahat na yata ng pinaka-nakakatakot na pelikulang iniiwasan ko dati, pinanuod ko na ulit. Pero hindi ako natakot. Ni simpleng gulat hindi ko nagawa. Ngayon ko napagtantong effective palang manuod ng scary movies kapag brokenhearted ka. Walang makakapagpatakot sa'yo. Baka 'yung mga multo pa sa pelikula ang matakot pag ikaw ang nagalit o nagwala o naglabas ng sama ng loob. Mas nakakatakot pala ang babaeng sawi sa pag-ibig.


Pagpindot ko sa laptop ko para sa susunod na pelikula, huli na nang mapagtanto ko kung ano'ng pelikula ang kasunod. Huli na rin nang ma-realize kong naka-headset nga pala ako at nakasakay sa bus sa oras ng madaling araw. Huli na rin nang magising ang nasa kabilang side na upuan dahil sa malakas na pagmumura ko. Lumabas ang isang movie na angkop na angkop sa akin ngayon. Ubos na pala ang horror movies. Wala na akong choice kundi ulitin ang pelikulang ito na naging dahilan kung bakit ako ngayon papunta ng Baguio.


That Thing Called Tadhana.


Pusanggala.


"Paano nga ba makalimot?" tanong ni Angelica Panganiban na tanong ko din ngayon.


Nakarating siya ng Sagada sa kakahanap ng sagot na sa huli isinigaw niya.


Alam mo, kahit gaano ka-realistic ang movie na ito, hindi niya kayang i-capture yung sakit na nararamdaman ko. Kinulang pa rin sila doon. Parang 50% lang ang napapakita nila. External lang. Sana parang katulad na lang din sa pelikula ang buhay, palilipasin ng direktor ang ilang buwan o linggo tapos ipapakita sa screen na okey ka na, moved on ka na, happy ka na at may darating na ulit na tao at this time, true love na. Mula sa isang broken relationship, may darating nang mas maganda.


Sana ganoon na lang. Sana ganoon na lang din sa totoong buhay. Pero hindi eh. Sa totoong buhay, kailangan mong tiisin ang bawat segundo, bawat oras, bawat araw at linggo, ang sakit sa puso mo. Wala tayo sa pelikula.


Naiinggit ako. Sobrang naiinggit. Mabuti pa si John Lloyd may Maja Salvador sa One more chance. Mabuti pa si Angelica Panganiban may JM De Guzman sa Baguio. Noong dumating ang sa akin, parang siya 'yung si Puso sa That Thing Called Tadhana, tapos ako si Arrow na hinayaan siyang tumusok sa akin. Pero hindi tulad sa pelikula na gumaan ang bigat ni Puso, ang ginawa niya sa akin, naka moved on na siya at masaya na sa buhay pero iniwan niya sa akin ang kanyang maleta. Naiwan sa akin ang bigat na dala niya at ako na ngayon ang may dala. At mas bumigat pa dahil pati bigat sa puso ko, bitbit ko na. Saklap, 'di ba?


Pero wala, walang dumating sa akin ngayon para tanggalin ang bigat na ito. Kailangan kong bitbitin ang mga maletang ito ng mag-isa. Kailangan kong lumimot ng walang kasama. Nag-back fire sa akin ang lahat. Kailangan kong mag move on ng mag-isa. Unfair.


Tama nga ang sabi naman sa pelikulang Barcelona, huwag kang magmamahal ng taong nagmamahal pa ng iba.


Nagising rin naman ako sa katotohanan. Matagal nga lang. Nagdesisyon na 'kong tigilan na ang kahibangan. Tigilan na ang pagmamahal sa isang lalaking hinding-hindi ako pipiliin. 'Yung ganitong set-up pala sa una lang masaya. Sa imahinasyon lang maganda. Pero sa tuwing kasama mo siya unti-unti kang kakainin ng insecurities. Unti-unti 'yung saya napapalitan ng lungkot. 'Yung ngiti napapalitan ng luha. 'Yung kilig napapalitan ng sakit. Hindi pala siya healthy para sa'yo.

The Awesome GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon