One Date with J: Olivia

10.7K 313 83
                                    

Olivia


"Have you ever been in love?"


Yan ang madalas na tinatanong ko sa ibang tao. Pero hindi ko na maitanong sa sarili ko. Dahil hindi ko na kayang sagutin at hindi ko na alam ang tamang sagot. 


Love. Pag-ibig. Pagmamahal. One word. Big word. Sa panahon ngayon, gasgas na. Kahit sa text madaling sabihin.


Pero ano nga ba ang tunay na definition ng pag-ibig? Paano mo nga ba masasabing nagmamahal ka o infatuation lang, admiration lang or baka lust lang? Ano nga bang differences nilang lahat? Paano mo ba masasabing pag-ibig na?


Nade-define ba 'yan sa bilis ng tibok ng puso? Sa pamamawis ng mga kamay at pagkakabulol mo kapag kausap siya? Kapag napapatawa ka niya? Sa saya mo kapag kasama mo siya? Kapag palagi mo siyang naiisip? Kapag nami-miss mo na siya? Sa tawagan at text ninyong walang humpay? Kapag nako-compare mo na siya sa ibang lalaking na-meet mo? Kapag naiisip mong siya na nga ba? Siya na ba ang matagal mo nang hinihintay? Kapag nasasaktan ka na kapag nakikita mong may iba siyang kasama? Kapag umiiyak ka na dahil hindi pala kayo parehas nang nararamdaman? O dahil kailangan mo na siyang bitiwan? O dahil hindi na kayo katulad ng dati? O dahil kailangan mo na siyang kalimutan?


Bakit minsan, one-sided ang love? Bakit minsan kahit parehas kayo ng nararamdaman nauuwi pa rin sa hiwalayan? Bakit minsan ang gusto mo, hindi ka naman gusto? Ang love ba nauubos? Nawawala? Tapos makakahanap ka na naman ng panibago, tapos nagiging cycle na. At the end, iiyak ka na naman. Paulit-ulit. Hanggang sa mapunta ka na doon sa puntong ayaw mo nang maniwala sa love. Hanggang mapunta ka na sa puntong naubos ka na at naisip mong wala nang may gustong magmahal sayo. Hindi ka ba worthy mahalin?


Ang tanging hiling ko lang sa mundo ay maranasang magmahal at mahalin.


Sa tingin ko, lahat ng tao gusto ring makaranas niyan. Walang may gustong mapag-isa sa buhay. Lahat tayo gusto rin nang companionship, lahat tayo gusto rin nang isang taong mamahalin at makakasama natin sa buhay. Sa hirap at ginhawa. Sa saya at lungkot. Isang taong kahit anong mangyari, kahit anong sabihin ng iba, ipaglalaban ka. Isang taong ka-partner mo sa buhay. Isang taong mamahalin ka kahit sino o ano ka pa. Kasama ang nakaraan, ang ngayon at ang kinabukasan mo. 


Gusto ko rin niyan.


Ako ang isa sa milyun-milyong tao sa mundo na naghahanap ng totoong pagmamahal. Ako isa sa mga taong nakakasalubong mo sa daan na iniisip kung kelan makikilala at makakabunggo ang taong nakalaan para sa akin. Ako ang isa mga taong nakakasakay mo sa jeep na naka-earphone na nagpapatugtog ng love songs at humihiling sa hangin na sana may mag-alay rin sa akin nang mga ganoong kanta. Ako ang isa sa mga nakikita ng mga kabarkada mo na naglalakad sa hallway kasama ang mga kaibigan. Nakita mo ako, pero mas nagustuhan mo ang katabi ko dahil mas maganda at mas maputi siya. Ako ang palaging nauuna sa uwian dahil walang hihintayin o walang susundo. Ako ang palaging ka-partner at katawanan ang mga kaibigang babae kapag nasa mall. Walang taga-bitbit ng shoulder bag o ka-holding hands. Ako ang palaging free kapag valentine's day. Ako ang walang pila-pilang manliligaw. Ako ang palaging second choice nang mga manliligaw ng mga kaibigan. Ako 'yung tipo ng babaeng pipiliin mo kapag walang-wala na talaga. Ako 'yung pwede na kaysa wala.


Ako ang gusto ring ma-in love. Gusto nang magmahal at mahalin ng totoo.


The Awesome GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon