Run, Olive, Run!

1.1K 37 9
                                    

Nakangiti ako sa repleksyon ko sa salamin sa CR ng kwarto ko. Hindi ko na alam kung gaano ako katagal doon basta mukha lang akong ewan na nakangiti sa sarili ko. Nakabukas ang gripo at nakasalang doon ang toothbrush kong lunod na lunod na sa tubig. Nakangiti pa rin ako.

Iba ang aura ko at pansin ko iyon araw-araw. Hindi ko alam kung ano'ng meron pero napapansin kong nag-iiba ako. Parang gumaganda ang balat ko. Kumikinis at nagiging mamula-mula. Daig ko pa ang nagpa-derma. Hindi ko masabing nakakatulog kasi ako ng maayos at mahaba nitong mga nakaraang buwan pero ramdam ko rin sa sarili ko ang biglang pagbabago.

The change is deep within. Naks!

Mukhang baliw na napangiti na naman ako at nagsimula ng mag-toothbrush. Napapansin din ng ibang mga katrabaho ko ang biglaang pag-iiba ko. Blooming daw ako. Magaan ang apak ng mga paa. Palaging masaya at kahit stressed sa trabaho, parang hindi pa rin.

In love daw ba ako?

Napangiti na naman ako. Oo naman! Sigaw ng utak ko habang naliligo na. Sobrang in love kay Jesus. May pagkanta pa nga ako habang nagsa-shampoo. Pagkatapos maligo, namili agad ako ng isusuot sa closet. Noong nakaraang buwan pa ako nag-make over ng wardrobe. Pinagtatanggal ko ang mga medyo seksi na damit. Pati mga ubod ng iksing shorts ko, tinapon ko na. Tinira ko 'yung mga disente, simple pero uso pa rin na damit.

Nagsimula na rin akong alagaan ang sarili ko. Nagwo-work out ako pagkatapos ng trabaho. Kumakain na rin ng mga gulay at bawas na sa karne. Dinagdagan ko rin ang tubig. Hindi na ako umiinom ngayon ng alak at hindi na rin nagmumura.

Isa agad iyon sa pinabago sa akin ni Jesus. Ang pag-inom ko ng alak at ang bibig ko. Akala ko noong una, hindi ko kaya. Pero keri pala. Basta mag-pray at magtiwala ka lang sa kanya.

Naglalakad na ako ngayon sa tabi ng kalye. Masaya pa rin. May pag-sway pa nga ako ng shoulder bag. Tumingala ako at tiningnan ang sikat ng araw. Kinindatan ko iyon. Sa isip, nag-good morning sa gumawa sa araw. Ang mga simpleng bagay sa paligid ko, naa-appreciate ko na. Ang araw, ang ihip ng hangin, ang mga puno at halaman, ang ulan at ang iba pang creations niya. I am seeing things and life in a different way. Parang natanggal 'yung takip sa mga mata ko. Parang nakikita ko na ang mga bagay mula sa paningin ng Diyos. Pinapakita niya sa akin ang mga bagay na dating hindi ko pinapansin at binibigyan ng halaga.

Nakaka-in love talaga si Jesus. Once na makilala at hayaan mo siyang maging buhay mo, babaguhin niya ang lahat sa'yo. He will not leave you hanging and miserable. He will change you from inside out.

Pumila ako sa terminal ng jeep papunta sa office. Dati, mainitin din agad ang ulo ko kapag wala pang jeep sa terminal at mahaba na agad ang pila ng tao. Iritable rin ako kapag mabagal ang taong nasa unahan ko o kaya ang makakasakay ko sa jeep. Ngayon, naggi-give way pa ako. Lalo na kung matanda, bata or buntis ang sasakay. Naks talaga, 'di ba?

Habang nakapila, napatingin ako sa nagtitinda ng kwek-kwek. Naalala ko ang date namin ni Jesus. Sa isip ko, natatawang nahihiya ako sa sarili kong in-expect kong magiging simple lang ang date namin. In-expect kong hanggang level ko lang 'yung magaganap na date. Bababa si Jesus sa level ko. Hindi pala. Ni-level up niya ako. Umpisa palang pala iyon ng pag-level up niya sa akin. Kasabay niyon ang pagpapakilala niya sa akin ng identity ko sa kanya. I am His Royal Princess. It's a great honor na maka-date ang King of Kings.

Binigyan niya ako memorable romantic date. Finulfill niya 'yung dream kong maisayaw, makapagsuot ng ball gown, magkaroon ng Prince Charming at isang magical fairy tale love story. Siniguro niyang hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. Siniguro niyang hindi malalampasan ng kahit sinong tao ang date na iyon. Beauty and the Beast/Cinderella ang peg ko. Inapi man ako ng buong mundo, dumating siya para i-save at mahalin ako. At dahil doon sobrang grateful ako sa kanya.

The Awesome GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon