Julianna

1.5K 42 19
                                    

Three years ago

Sabi sa isang kanta, I will go where you would go, take the lead and I will follow you. To places no one knows, say the word and I will follow.

Sabi ni Jesus, Go and make disciples of all nations...

Sabi ni Isaiah, How beautiful are the feet of those who bring good news.

Sabi ni Paul, My ambition has always been to preach the Good News where the name of Christ has never been heard, rather than where a church has already been started by someone else.

Sabi ni Caleb, baliw daw ako.

Sabi ni Father Rey, ikakamatay ko ito.

Sabi ni Pastor, hindi ko pa kaya.

Sabi ng mga kaibigan ko, hopeless case na daw ako. Mag-asawa na lang ako.

Ang sabi ko naman...

Dumilat ako mula sa pagkakapikit. Nanatili ang manipis na ngiti sa mga labi. Ninanamnam ang malamig na hangin, ang hampas ng alon at mga buhangin. Hinahangin ng malakas ang puting t-shirt at lumang pantalon. Nakapamaywang. Nakasandal sa isang binti ang isang maleta.

Dumating na ang bangkang magdadala sa akin papunta sa Isla Pula. Kilala ang isla na iyon bilang taguan ng mga kriminal, prostitutes, terorista, politicians at mayayamang taong nangunguna ang pangalan sa impyerno. VIP pa nga. Kilala ang isla na iyon na may tinatagong misteryo.

Binitbit ko na ang maleta ko. Eh ano ngayon?

Pinagmasdan ko ang mga alon sa dagat habang umaandar na ang bangka. Inaalala ang isa sa pinakapaborito kong eksena sa Bible. Tumunganga sa tubig.

Ang totoo, hindi ako marunong lumangoy. Takot ako sa tubig at hindi ako mahilig sa dagat.

Pero isa sa mga pangarap ko ang maranasang makapaglakad sa tubig kasama si Jesus. Tulad ni Peter. Kung ang maibahagi Siya sa Isla Pula ang tanging daan para makarating ako balang-araw sa kaharian niya, bakit hindi, 'di ba?

Hindi ko ito pinangarap. Pero kung dito ako dinadala ng Panginoon, sino ako para tanggihan Siya?

Itutuloy ko ang nasimulan na. Gagawin kong asin at liwanag ang sarili.

Yayakapin ko ang buong isla. Gagawing kaibigan ang dagat, mga niyog at buhangin. Kasama ng mga makasalanang taong hindi pa nakakakilala sa Diyos. Iiwan ang buhay na nakagawian sa siyudad para sa isang misyon na hindi ko alam kung saan papunta.

Malapit na kami sa Isla.

125, 726 ang populasyon.

Madami.

Nginitian ko ang buong isla. Excited na ako. Nakikita ko na ang sarili kong magiging reporting station ko ang tabing dagat.

Pagtapak ng mga paa ko sa isla, huminga ako ng malalim. Hindi pinansin ang pagmamadali ng bangkero na iwan ako at ang lumulutang na katawan ng patay na tao. Tumingala ako sa langit. Umpisahan na natin ito. 

Kaya ang masasabi ni Julianna "Julie" Esteves, ang greatest Christian missionary sa buong mundo...?

Bring it on, Lord! Bring it on!

* * *

Matthew 28:19

Romans 10:15

Romans 15:20 (NLT)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Awesome GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon