One Date with J: Matthew 28:20

1.8K 85 11
                                    

Nakita ko ang sarili kong nakahiga sa kama ng kwarto. Nakaharap sa ceiling. Nakakumot. Kumurap-kurap. Medyo nararamdaman kong parang umiikot ang paligid ko. 


Nag-iba ako ng puwesto. Dumapa at inihilig ang ulo patagilid sa unan. Inilaylay ang isang braso sa gilid ng kama. Naramdaman ko ang mabining hampas ng hangin mula sa puting kurtina ng aking bintana. Unti-unti ko nang nararamdaman 'yung pagod. 'Yung puyat. 'Yung sakit na akala kong nawala na. 'Yung sakit na hindi ko alam kung paano tatanggalin at huhugutin mula sa kailaliman ng puso ko. 

Pumikit ako. 

Pagod na 'ko...

Muli kong naramdaman ang mahinang hangin mula sa bintana. Na parang may nagsasabi sa aking hindi pa, kaya ko pa. 

Naaamoy ko ang dugo sa bibig ko. Ang lagkit ng pawis at dumi sa katawan. Gusto kong maligo pero wala akong lakas na bumangon sa pagkakahiga at ayoko ring humarap sa salamin. Natatakot akong makita ang repleksyon ko.



"Sleep more, My Olive," tila may bumubulong sa akin. 

Ayoko na ding matulog. Natatakot akong matulog. Ngayon ko lang ulit kinatakutan ang pagtulog simula noong halayin ako ni Tito Boy. Pakiramdam ko kapag ginawa ko iyon, babalik ang lahat. Mapapanaginipan ko ang lahat. Ha-haunting-in ako ng mga pangyayari sa buhay kong ayoko nang balikan. 


Natatakot akong makita sa panaginip si Kuya Lee. Makita ang mukha niya. Makausap siya. Natatakot akong magising ng malungkot. Nang nasasaktan. Nang umiiyak. Kasi failure na naman ang inakala kong pag-ibig na para sa akin na. 


"Bakit suki ako ng mga lalaking sawi, J?" tanong ko sa sarili habang nakatingin sa kurtina ng bintana. Tumulo ang mga luha ko sa unan. "Bakit ang hilig akong lapitan ng mga lalaking wala namang balak na mahalin ako ng totoo? Bakit?"


Naramdaman ko ulit ang hangin sa bintana. Mas napagalaw niya ang kurtina. Umabot sa kama.

"Hindi totoo 'yan. Nandito ako."


Tumulo ulit ang luha ko. 


Nanatili lang ako sa ganoong puwesto hanggang sunud-sunod na dumaloy ang mga luha sa mata ko. Habang yumuyugyog ang mga balikat at inilulubog ang mukha sa unan. Unti-unting nauwi ang pag-iyak sa hagulhol. Nagsanib ang mga takot at sakit. Ang disappoinment sa sarili. Ang lungkot. Ang panghihinayang sa pag-ibig na ibinigay ko na naman pala sa maling tao. Ang pananatili ng pagmamahal ko kay Kuya Lee kahit na sinaktan niya ako. Ang sakit-sakit ng puso ko na hindi na ako makahinga. Para kong masusuka. Durog na durog ako at wala akong ibang nagawa kundi iyakan siya.  


Hinanap ng mga mata ko si J. Pero hindi ko siya makita. Sa isang bahagi ng utak ko, sinasabing umalis na siya. Hindi siya totoo. Panaginip ko lang ang pagkakakita ko sa kanya. Naghahalucinate na ako. 

Pero may isang parte sa puso ko na sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, pakiramdam ko may kasama ako. Hindi ako nag-iisa. May nakakaramdam din ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko siya nakikita, pero alam ko, nandito siya. Niyayakap ako at hawak ang aking kamay. Wala siyang kailangang sabihin na magiging okey din ang lahat. Malalagpasan ko rin ito. Makakahanap rin ako ng bago. Wala. Basta alam ko nandito lang siya. Hinahayaan akong umiyak hanggang sa ako na rin mismo ang magpatahan sa sarili ko. Hanggang sa mapagod ako at igupo ng pagod. Makatulog. Makapagpahinga. Ulit.


Kung isang panaginip man ang pagkikita naming dalawa, maaari ko bang hilingin sa langit na maulit siya?

O pupuwede bang paggising ko, nasa tabi ko na siya? Gusto ko ulit siyang makasama... 

+++

"Behold, I am with you always." Matthew 28:20

"The Lord is near to the brokenhearted and saves the crushed in spirit." Psalm 34:18

"I will never leave you nor forsake you." Hebrews 13:5

"Fear not, for I am with you; be not dismayed, for I am your God; I will strengthen you, I will help you, I will uphold you with my righteous right hand." Isaiah 41:10

The Awesome GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon