One Date with J: Lust, Lies and Love

2.6K 75 4
                                        

2008 (Five Months later)


Alex,


Hindi ko alam kung ano'ng meron sa'yo. Hindi ko alam kung bakit nagustuhan kita. Honestly, there's nothing really special about you. Hindi ka naman gano'n kagwapo. Maputi ka lang. Mestiso. 'Yung pagka-mestiso mo parang american complexion. Average height, not so average weight. Lalo na 'yung tiyan. Haha! But you have this aura. You have an x-factor. Appeal. Plus, you're very, very funny. Parang kahit sobrang lungkot na nang mundo, kaya mong patawanin ang kahit sino. Approachable. Friendly. Easy to talk to. Kindhearted. You're the type of guy anyone would want to be with.


Gugustuhing mahalin.


Kaso lang, babaero ka. At nadale ako nang pagiging babaero mo.


Magaling ka, sobrang galing. O sobrang tanga ko lang at sobrang nahulog lang ako kaya hindi ko na-sense na may girlfriend ka pala? O may nagsabi na sa akin pero mas pinaniwalaan ko ang mabulaklak na bibig mo at hindi muna ako nag-imbestiga?


Sa loob ng tatlong buwan nating relasyon, hindi ko ine-expect na mauuwi agad tayo sa hiwalayan. Noong nakausap ko si Jenny sa phone, niyanig nun ang buong mundo ko. Binasag nang isang tawag sa cellphone ang masayang buhay ko kasama ka. Ang sabi niya sa'kin sa phone, ako daw ba talaga si Zaziwe? Hindi pa nga niya ma-pronounce ng maayos ang pangalan ko, pero hindi na importante iyon. Hindi ko alam kung bakit parang alam na alam na niya ang tungkol sakin. Ayokong isipin na kinuwento mo na ako sa kanya. Parang mas masakit isipin 'yun. May alam na siya sa akin, ako, walang idea sa totoo. Tangina lang. Tapos umiiyak na siya. Nagmakaawa siya. Layuan daw kita. 5 Years na daw kayo. 3 months palang naman daw tayo. Tigilan ko na daw ang boyfriend niya.


Uminit ang ulo ko. Pero iyak na siya ng iyak. Hindi kami nagbangayan o nagsigawan, tulad ng napapanuod ko sa mga teledrama kapag nagkakilala na ang dalawang babaeng ginagago ng boyfriend nila. Natulala lang ako habang naririnig ang iyak at pagmamakaawa niya sa cellphone. Pagkaputol ko sa call niya, ako naman ang biglang umiyak. Minumura kita ng walang humpay sa utak ko.


May mga pagkakataon na desidido ka na sa isang bagay, galit ka, sinusumpa mo na, sa imahinasyon mo, paulit-ulit mo na siyang sinasampal at pinapabugbog sa mga tambay sa kanto, punung-puno ng mura at basura ang isip mo para sa taong yun, pero kapag nandyan na siya, nakausap mo na siya at nakapag-explain na, biglang nililipad ng hangin ang mga talkshit at decisions mo. Mas nangingibabaw yung feelings mo.


Tangang-tanga siguro talaga ako pagdating sa'yo, kasi naging ok pa rin tayo. Siguro ganun talaga kapag mahal mo. Lumalambot ang puso mo kahit ano'ng galit mo at kahit anong kasalanan niya. Pinatawad pa rin kita. Pero tinuloy ko ang desisyon na makipaghiwalay sa'yo dala ng awa kay Jenny. Ano bang laban ng 3 months sa 5 years, 'di ba?


Naging magkaibigan na lang tayo


Niloko ko na lang ang sarili ko.


Parang walang nangyari. Kung ano 'yung gawain natin noong nanliligaw ka at tayo pa, ganun pa rin noong "nag-break" tayo. Text, tawagan hanggang madaling araw. Tawanan ng walang humpay sa mga korning jokes mo. Palitan ng opinyon sa mga kantang pinapakinggan mo at sine-share mo sa akin. Kinikilig kapag love songs.


Pumupunta ka pa rin sa bahay kapag wala kang pasok sa trabaho. Gumagala tayo. Kilala ka na nang lahat ng kaibigan ko. Mahal ka na nang buong pamilya ko. Kuya na ang tawag sa'yo ng mga pinsan ko. Sinusundo mo ko minsan sa trabaho. Kapag tinatanong ako ng mga tao tungkol sa lovelife ko, ikaw ang kinukwento ko. Kasi ikaw pa rin ang lovelife na alam ko.


Mahal pa rin kita. Minamahal pa rin kita at pilit kong pinaparamdam iyon palagi sa'yo. Kahit unti-unti na kong kinakain ng insecurities. Kahit masaya ako kapag kasama kita pero napapalitan ng lungkot kapag umalis ka na. Iniisip ko na lang at ininginingiti na worth it naman di ba ang bawat moments na kasama ka? Worth it ang sakit basta nandiyan ka.


Napunta na ko ngayon sa puntong kainin na ang pride, kalimutan na ang sarili. Ibasura na ang logic. Pasok sa isang tenga, labas sa kabilang tenga ang lahat ng payo ng mga kaibigan. Mamahalin pa rin kita, Alex. Mamahalin kita kahit andyan pa rin si Jenny. Kahit kabit ako. Oo na, third party ako! Aminado ako. Aware ako at nilinaw mo agad sa akin ang sitwasyon ninyo at tinanggap ko ang ganitong posisyon sa puso at buhay mo. Kaya wala akong karapatang magreklamo.


Mahal kita eh. Iintindihin kita. Iintindihin kong hindi mo lang maiwan si Jenny dahil kailangan ka pa niya. Iintindihin kong kapag okey na si Jenny, kapag puwede na, hihiwalayan mo na siya at magiging ako na lang sa puso mo. Magiging tayong dalawa na lang. Tutal, sa akin ka naman talaga nagiging masaya. Totoong masaya.


Hindi mapapantayan ni Jenny ang happiness na nararamdaman mo sa akin, Alex. Hindi kayo tulad natin na parang mag-best friend. Asaran. Kulitan. Komportable sa isa't-isa at hindi natin kailangang mag-pretend kapag magkasama. Hindi mo kailangang maging perfect boyfriend kapag kasama ako dahil mas minamahal ko kapag totoo ka sa sarili mo.


Kung hindi mo ako mahal, bakit kahit ipagtabuyan kita bumabalik ka pa rin sa'kin? Bakit kahit pinagduduldulan na kita kay Jenny, bumabalik ka pa rin sa'kin? Bakit pinupuntahan mo pa ko kahit sa trabaho? Bakit hindi mo pa rin ako matiis? Ano bang meron sa atin na hindi mo rin mapakawalan?


Alex, mamahalin kita kahit anong mangyari. Nandito lang ako. Hihintayin ko ang araw na ipaglalaban mo na ang nararamdaman mo sa akin at pipiliin mo na ako at mamahalin ng buong-buo. Kahit gaano katagal. Kahit gaano kasakit. Kasi ganito naman talaga kapag nagmamahal, naghihintay, umiintindi, nagtitiis.

The Awesome GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon