One Date with J: Chapter 34

2.9K 80 9
                                    

Three months later...


Nasa Tagaytay ako. Nakasuot ng kulay puting damit. May hawak na bulaklak at nakatayo sa labas ng simbahan. Gusto nila akong pagsuotin ng belo---kalokohan ng mga college friends ko---pero hindi ako pumayag. Sabi ko, okey na 'yung outfit ko, baka masapawan ko na silang lahat.


Naghihintay na lang ako ng signal ng wedding coordinator kung kelan papasok. Maiingay sa likuran ko. Mga aligaga ang mga tao.


Nang marinig kong nagsimula nang tumugtog ang wedding song, humigpit ang hawak ko sa bouquet. Heto na. This is it. Nasabi ko na bang allergic ako sa kasalan kahit marami-rami na rin akong na-attend-an? Siguro naman malinaw na ang dahilan kung bakit. Unti-unti nang nagbukas ang double door ng simbahan. Nagsitayuan ang mga tao nang makita ako. Kinakabahan pero nagsimula akong maglakad kasabay ng tugtog ng 'A thousand years.'


Nakatingin sa akin ang lahat ng cellphone at camera habang lumalakad sa aisle. Nasa maliit na simbahan lang kami. Piling-pili ang mga tao. Mga pinakamalalapit na tao lang ang imbitado. Medyo mabilisan lang din kasi ang paghahanda nito. Biglaan ang desisyon, biglaan din ang preparasyon.


Malapit na ako. Nasa tabi ng altar ang groom. Naka-suit kahit na ang sinuggest ko ay barong tagalog. Siya ang nasunod, wala kaming nagawa. Nakangiti siya sa akin. Naghihintay. Nakapinta sa mukha ang tuwa, ang namumuong luha at kakaibang emosyon na alam kong kulang pa ang mga salita para ipaliwanag. Hindi man niya sabihin pero alam akong isa ito sa pinakamasayang araw sa buhay niya.


Nginitian ko din siya ng matamis.


Hindi ko na mabilang ang mga kasalan na napuntahan ko. Hindi ko na din mabilang kung ilang beses akong kumanta para sa mga ikakasal. Ine-expect ko sa pagkakataong ito, kakanta ulit ako. Ine-expect ko rin sa pagkakataong ito mapapa-reminisce na naman ako. Pero hindi na, dahil sa pagkakataong ito, hindi na disaster ang pakiramdam ko. Hindi na sira ang laylayan ng gown, hindi na maiksi ang kulot na buhok, hindi na na-murder ang make-up. Hindi na ako malungkot. Bagkus, maganda ako ngayon. Pinakamaganda. Kahit ayaw nilang aminin. Natalbugan ko siya.


Sa kasalang ito, hindi na ako nakabusangot. Sa kasalang ito, hindi ako kakain na kasama lang ang mga kaibigan, may tatabing lalaki para maging clown at sa umpisa palang magsisinungaling na. Sa kasalang ito, may hahawak na sa kamay ko habang nag-uumpisa ang Pastor. Sa kasalang ito, may nagmamahal na sa akin.


Nilingon ko si Kuya Lee nang maupo ako sa unahang pew. Nandoon siya sa kabila. Nakatingin din siya sa akin. Kinindatan niya ako. Alam kong maya-maya lang magkatabi na kami.


Sa kasalang ito, sabi ni Maggie, ipaparamdam niya sa akin na gugustuhin ko na ring ikasal. Susunod na kami ni Kuya Lee.


+++


Natapos ang kasal ni Maggie at ng asawa niya. Ginanap ang reception sa Sonya's Garden. Isang restaurant sa Tagaytay din. Nilapitan ako ng bride habang nagsisimula na ang party.


Pumunta siya sa table namin ni Kuya Lee. Naupo sa bakantang upuan. Pumunta si Kuya Lee sa restroom.

The Awesome GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon