2000
Dear J,
Sabi ni Mama kilala ka daw niya. Sabi ni Mama noong bata pa daw siya nakita ka na niya. Sabi niya mabait ka daw at pwede ko sabihin sa'yo lahat. Sinusulatan ka din daw niya noong bata pa siya. Kaya pwede din daw kitang sulatan.
Pero hindi lang sa notebook. Hindi lang sa papel. Sabi ni Mama, ipapadala daw niya sa'yo itong mga letter ko.
Sabi niya bihira ka lang daw sumagot. Bihira ka lang daw sumulat. Pero kapag sumagot ka, maiksi, may laman at totoo. Kaya simula ngayon, susulatan na kita. Matagal nang panahon nang huli akong sumulat. Ilang taon na rin ang lumipas ng mag-diary ako. Marami nang nangyari. Twelve years old na ko ngayon, J at malapit na kong gumraduate sa elementary. Siguro sa mga susunod na araw, tungkol sa high school days ko na ang laman ng mga sulat ko sa'yo. Tungkol sa high school life, sa pagiging teenager, mga bago kong magiging kaibigan at sana...tungkol sa crushes. Hehe...
Anyway, sana sumagot ka, J. Kahit ngayon lang. Kahit isa lang. Kahit kumustahin mo lang ako. Para ganahan akong sumulat sa'yo. Aasahan ko ha.
Sincerely yours,
Olivia
BINABASA MO ANG
The Awesome God
Spiritual"What no eye has seen, nor ear heard, nor the heart of man imagined, what God has prepared for those who love him." 1 Corinthians 2:9