Author's Testimony

1.2K 76 20
                                    

Dear Readers,

Hello! :)

Bago maganap ang special date nina Jesus and Olivia. I feel like I owe it sa inyong lahat na malaman muna ang mga bagay-bagay tungkol sa akin bago natin ituloy ang love story ni J and Olive. Malaman ninyo kung saan nanggaling at paano nabuo ang lahat.

Malaki ang parte ng personal na buhay ko sa kwento ng buhay ni Olive. Kumbaga, kung kilala ninyo ako sa totoong buhay, malalaman ninyo kung alin ang kwento ko at alin ang kwento ng ibang taong ginamit ko para mabuo ang love story niya. Magsimula muna tayo sa buhay ko.

Buong buhay ko nag-eexist na si Jesus. Nasa Elementary ako noong nagpakita siya sa akin sa panaginip. Active member ang mommy ko sa El Shaddai at parati akong nakikinig sa radyo tuwing nakikinig siya. May mga pagkakataon na nararamdaman ko ang Holy Spirit noon palang. Nagbabasa ako ng Bible kahit hindi ko naiintindihan. Paborito ko noon si Job. Akala ko noon, the more na ina-allow mo ang suffering at pang-aapi sa'yo ng ibang tao, mas ibe-bless ka niya. Kaya sa school kahit binu-bully ako, hinahayaan ko lang.

Naging takbuhan ko si Jesus. Sa tuwing may nananakit sa akin, nakatingala lang ako sa labas ng bintana ng room namin at kinakausap siya. Hindi ako nagsusumbong. Mas gusto ko lang na kausap siya. Sinasabihan ko din ang ibang kaklase kong binu-bully na hayaan lang sila. Kasama namin si God.

Naging Grade 4 ako at doon ko nakita na nawi-weirduhan sa akin ang mga kaklase ko. 'Yung kabaitan. 'Yung pag-una at pag-intindi ko muna sa iba bago ang sarili ko, nawi-weirduhan sila. Masyado daw akong mabait at naging katatawanan iyon sa kanila. Iniba ko ang ugali ko para magkaroon ako ng mga bagong kaibigan.

Naging teenager ako. Nag-college. Hindi ko na ulit nabalikan ang dating ako na sobrang close kay Jesus. I do believe in God. But I don't believe in the Bible. Para sa akin noon, gawa-gawa lang siya ng mga tao. Papaano naisulat ng isang Diyos ang isang libro?

2009

One year after kong maka-graduate sa college, may best friend akong christian. Naghahanap siya ng bagong christian church. Nagpasama siya sa akin sa isang mall. Doon naka-locate ang Victory. Sinamahan ko siya, not knowing na doon na pala magbabago ang buhay ko.

Pero hindi iyon biglaan. I was cultured shock. As in shocked talaga. Lumaki ako sa catholic church, thinking na iyon ang tamang religion at kalokohan ang iba. Habang nasa loob ako ng Victory hindi ko naiintindihan ang mga nangyayari. Bakit sila nagtataas ng kamay kapag kumakanta? Bakit walang communion? Bakit ganoon ang prayers nila? At sakto pang ang topic noong nandoon kami, One life to live. Ano'ng gagawin mo sa buhay mo kung isang buwan ka na lang sa lupa? Ganda, 'di ba? Haha!

But what really captures me was the songs. Habang binabasa ko ang lyrics ng mga kanta, naaantig ang puso ko. Sobrang close kay God ng mga kanta nila. Love songs. Iyon ang binalik-balikan ko. Na-addict ako sa Sunday services. Lagi kong gustong linggo na para makapunta na sa Victory. Natututo ako ng hindi ko namamalayan.

Pero dumating ang araw na nag-struggle ako. Katamaran. Nako-convict na din minsan. Hindi ko gustong sumasali sa mga small groups. I don't like sharing my life to other people. Takot akong mag-pray kasama ang ibang tao. Para sa akin noon, very intimate 'yun. Ako at si God lang dapat ang nakakarinig. Gusto pa rin 'yung ugaling pagkatapos magsimba, uuwi na. Ganoon lang.

Dumating kami sa punto ng kaibigan kong tumigil kami sa pag-attend. Sabi ko noon, magso-solo na lang ako. Bumili ako ng mga libro about kay God. Nagbabasa ko at doon ko siya pinag-aaralan. Sabi ko noon, okey na 'yun. Maiintinidihan ko rin siya doon.

2012

Dumaan ang mga taon. Marami ng nangyari at nagbago sa buhay ko, pero paminsan-minsan nararamdaman at may mga pinapadala si God sa buhay ko to remind me about him. Tumigil ako sa pagtatrabaho, gusto kong tuparin ang pangarap kong maging manunulat. Nasa bahay lang ako at nagsusulat ng mga love stories. Walang naitutulong sa magulang. Pabigat pa nga. Nagpapasa ako sa isang publishing company ng kwento. One novel per month. Naka-walong nobela ako, lahat rejected. Nalungkot na ako noon. Hindi ko maintindihan noon kung bakit? Maaayos naman ang mga kwento ko pero hindi tinatanggap. Nawalan na ako ng pag-asa. Inisip ko noon, baka wala talaga akong talent sa writing. Pero hindi pa rin ako tumigil dahil naisip ko naman ang fiction writing. Nauso noon ang Twilight. Pero hindi ko naisip magsulat about vampires and wolves. Noong fourth year high school student ako, may isang fiction story ako na iniingatan, inumpisahan ko ulit siyang isulat at naisip na ipasa for the last time.

The Awesome GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon