4. POSAS

4 0 0
                                    

Masyado pang maaga para masanay akong wala ka na

Masyado pang maaga para sa mga ililibing na letra

Ngunit sa huling pagkakataon ay hihingi ako ng pasensiya,

Kung hanggang dito ko na lang kayang ipaglaban ka

Dahil ilang beses ka mang angkinin, kung sa kaniya ka talaga sasaya

Ay lilinlangin at lilinlangin ako ng madayang tadhana

Kaya habang maaga pa ay tuluyan na kitang ipauubaya...

TULAPROSASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon