Naniniwala ako na hindi para sa lahat ng tao ang romantikong pag-ibig. At nakakatakot. Paano kung isa ako sa mga taong nakatadhana para sa kapalarang ito? Paniguradong magdurusa ang perpektong mukha ng pagmamahal na pininta ko.
Ngunit kung gayon man, hindi ba't dapat ay maging masaya pa rin ako? Dahil ligtas ako sa banta ng pagkahulog at pagkaantala. Pagkaantala ng pag-usbong kung matitisod sa pag-ibig. At pagkaantala ng pag-usad kung ilalayo ng pag-ibig sa reyalidad.
BINABASA MO ANG
TULAPROSAS
Poetry"TULAPROSAS" Tula. Prosa. Posas. Rosas. - Kalipunan ng mga Tula at Prosa na kumawala sa Posas bilang mga Rosas