Tutuldukan ko na ang pangakong habang-buhay
Dahil kung hindi mo na ako masasamahan sa paglalakbay
Ay mas pipiliin ko na lamang bumalik
At isasama sa pag-atras ang mga natitirang bakit.
Dalangin ko ang magandang bukas para sa inyong dalawaAlam ko rin namang kaya kong harapin ang salimuot ng pag-iisa.
Lumaban ako ngunit sa huli ay natalo rin
Kaya ang mga susunod na segundo ay para muna sa'kin,
Gano'n nga siguro magmahal,
Pipilitin ka ng tadhana upang sumugal.
Isa akong mamahalin ngunit madaling masira
Kaya sa oras na gamitin mo ay magiging sumbat ang pagluha
Masyado akong mahalaga para magamit mo pa
Kaya bago mo pa 'ko tuluyang masira ay tinatapos ko na.- Tinatapos ko na
BINABASA MO ANG
TULAPROSAS
Poetry"TULAPROSAS" Tula. Prosa. Posas. Rosas. - Kalipunan ng mga Tula at Prosa na kumawala sa Posas bilang mga Rosas