Kapag dumating ang pagkakataon na kaya mo na ulit magmahal,
Hayaan mo sana akong samahan ka sa pagsugal.Hindi ka masasaktan kung sa akin ka mahuhulog,
Hindi ka madudurog
At hindi mababasag bilang isang bubog.Kung sakaling matagpuan mo ang 'yong sarili sa posisyon na handa na muling magtiwala,
Hayaan mo 'kong magsimula
Sa pagsasabing... kung nasa tapat ang daigdig ng mga tala,
Pangakong hinding-hindi kita ikakabila
At lantaran man ang mga banta ay hinding-hindi kita ikakaila.Ikaw ang simula na hindi ko gustong tapusin,
Isa ka mang ariwanas na pinalilibutan ng mga butuin.Malaman mo rin sana na hindi ako makikipasiksikan sa haba ng pila
Dahil kaya kong gumuhit ng sarili kong linya.— Pila
BINABASA MO ANG
TULAPROSAS
Poetry"TULAPROSAS" Tula. Prosa. Posas. Rosas. - Kalipunan ng mga Tula at Prosa na kumawala sa Posas bilang mga Rosas