132. ROSAS

1 0 0
                                    

Hindi lahat ay gustong marinig ang iyak mo
At hindi pepreno sa pag-ikot ang mundo
Dahil lang sa hindi mo na kabisado
Ang takbo, ang kanto at ang kambiyo.

Maliligaw ka at kailangan mong maunahan ang iba
Na mahanap ang sarili mo upang maisalba
Sa banta ng pagkawala at pagkasalanta.

Pero buti na lang ay may isang tao akong tinatanaw
Napakalapit niya ngunit tila isa ring bulalakaw,
Guguhit ng magandang kinang sa mga mata ko
At maglalaho rin pagkatapos ng ilang segundo.

At kanina, nang magtama ang ating mga mata,
Tsaka ko lamang napagtanto na sansinukob pala ang resulta
Ng dalawang ariwanas na nagpalitan ng kinang na dala.

Salamat.
Kahit hindi mo alam.
At sana
Pwede kitang gawing sumbungan.

- Pwede ka bang gawing sumbungan?

TULAPROSASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon