87. POSAS

1 0 0
                                    

Sa daluyong ng pagnanais kong mahalin kang muli

Ay hindi ko nakikita ang buong dahilan para sa desisyo'y mapangiti

Maaaring sa pagkalatik ng kamay ng orasan

Ay mabawasan pa ang natitirang pagmamahal

At kung papalarin pa ay baka nga tuluyan nang maubos

Ang pag-ibig na ibinuhos, inulos, buo, hindi halos at inalay nang walang tubos.



Kaya mas mabuti nga sigurong hayaan ko na lamang ito

Dahil kusa kitang minahal at hindi ko inaral

Kung kalilimutan man kita ay gagawin ko ang parehong paraan

Upang mapalaya ang mga naipit na "sana naman".

- Mahal pa kita pero konti na lang

TULAPROSASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon