63. POSAS

1 0 0
                                    

Hindi ko na alam kung sa'n pa isisilid ang mga natitirang sakit

Dahil sa muli kong pagpikit ay walang katapusang luha ang umuukit.

Tunay talagang lahat ng simula ay may wakas

Lahat ng pagyabong ay may paglagas
Hindi lahat ng mahina ay lumalakas

Higpitan man ang kapit ay magagawa niyang kumalas

At sa puntong paubos ka na, kakainin ka ng sistemang hindi patas

At ang ititira lang sayong pamimilian ay ang pagtakas.

-

TULAPROSASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon