Alam mo kung bakit ka nasasaktan?
Kasi nauna ka pang sumugal
Kaysa magbigay sa sarili mo ng sapat na pagmamahal
Kaya no'ng tinaya mo ang lahat ng mayroon ka
Wala na ngang natira sa'yo,
Huli mo pang napagtanto na may tunay na mundo
At sa mundong 'to, akala mo sapat ka na
Pero mali ka na naman, dahil Isa ka lang sa pamimilian.
Madaya talaga ang mundo
Dahil hindi ka pa tumataya, ikaw na agad ang talo
- Bakit Ka Nasasaktan?
BINABASA MO ANG
TULAPROSAS
Poetry"TULAPROSAS" Tula. Prosa. Posas. Rosas. - Kalipunan ng mga Tula at Prosa na kumawala sa Posas bilang mga Rosas