Ikaw ang buwan na nais kong hawakan,
Ikaw ang araw na paboritong titigan,
Ikaw rin ang may tangan ng mga buntala sa kalawakan
At ang bituin na nagbibigay liwanag sa karimlan.
At higit sa lahat, ikaw ang kometa sa sansinukob na walang hanggan
Na bagaman minsan lang masilayan,
Ang iyong tingkad sa mga mata'y mananatili namang kumikinang.
- Sansinukob
BINABASA MO ANG
TULAPROSAS
Poetry"TULAPROSAS" Tula. Prosa. Posas. Rosas. - Kalipunan ng mga Tula at Prosa na kumawala sa Posas bilang mga Rosas