Lumilipas ang mga araw nang hindi natin namamalayan,
Nagbabago ang mga nakasanayan na parang pagtila ng ulan,
At sa oras na hilingin mong magbago ang belosidad ng oras,
Ano mang resulta ay hindi mo sana piliin ang tumakas.Hindi nananatili sa iisang postura ang mga bagay
At wala ring paboritong posisyon ang estado ng buhay,
Iikot ang mundo at lahat ng sulok ay maaari nating kalagyan
Sa lugar na inaasam o hindi natin inaasahan.Ang pinakatanyag na awitin ay hindi nabuo nang iisa lang ang tono,
Ang pinakamalalim na tula ay hindi nalikha nang walang salitang binago,
Walang pelikulang kumita nang iisa lang ang linya
At hindi mo mararamdaman na may kasama ka kung hindi ka muna magiging mag-isa.Ngunit sa kabila ng lahat ng aspetong ito
Ay isa lang ang pinakasigurado,
Ang mga pagbabagong ito ang magpaparamdam sa'tin
Na hindi lahat ng pag-aari natin ay habang-buhay nating maangkin.Pahalagahan ang mga bagay na mayroon tayo ngayon,
Huwag iwasan kahit sa tingin nati'y hindi naaayon
Dahil doon lamang magkakaroon ng kahulugan
Ang mga pagbabagong huhulma sa ating katauhan.Lumilipas ang oras nang hindi natin namamalayan ang bawat segundo,
Hindi natin alam... may mga nawawala at pumapasok na bago sa ating mundo
Maaaring ngayon ay nag-iisa ka
Ngunit dahil may pagbabago sa sistema,
Meron at merong pipiliing samahan ka.May mga pagbabagong sisira sa iyong mga plano,
Mayroon din namang bubuo sa naiwan mong mga piraso,
At hiling ko na ano man sa dalawang ito ang iyong mapuntahan,
Piliin mo sana ang yakapin ito nang walang pag-aalinlangan.— Mga Pagbabago
BINABASA MO ANG
TULAPROSAS
Poesía"TULAPROSAS" Tula. Prosa. Posas. Rosas. - Kalipunan ng mga Tula at Prosa na kumawala sa Posas bilang mga Rosas