31. POSAS

1 0 0
                                    

Mas masakit mapangakuan kaysa mapaniwala sa kasinungalingan.

Maraming beses na akong napaniwala ng iba sa mga kasinungalingan nila. Umabot pa sa puntong hindi na ako marunong magtiwala sa mga tao, sa mga salita, sa mga nakikita ko, at mismong sa sarili ko. Nakakatakot dahil pakiramdam ko ay niloloko na lang ako ng lahat. Masakit dahil parang ang dali-dali ko lang lokohin.

Pero sa kabila nito ay mayro'n pa palang isang bagay na tatarak sa'kin nang mas malalim, mas masakit at mas matagal maghilom - ang mapangakuan.

Oo, mas masakit mapangakuan kaysa mapaniwala sa kasinungalingan.

Dahil kapag ang isang tao ay nangako sa'yo at hindi niya tinupad, hindi lang niya ipinagkakait sa'yo ang katotohanan, kundi ay hinahayaan ka rin niyang mabuhay sa mundo ng pananabik. At sa oras na piliin mong mamalagi sa mundong 'yon na kalauna'y daraanan din ng lindol, babalik at babalik ka sa patag pagkatapos mong akyatin ang maraming tarik.

-

TULAPROSASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon