Sapat na ang minsang pagkawasak upang mapag-iwanan.
Nawala ka lang,
Pero hindi ka kawalan.
At maaaring iniwan mo nga ako
Ngunit nasisiguro kong hindi ako ang natalo.Umiyak ako ngunit hindi ibig sabihin no'n ay ikaw na ang nanalo
Noon ay nanatili akong nakahinto at hindi iyon indikasyon ng pagkatalo
Mas mabait lang sa'yo ang mundo
Ngunit ako pa rin ang nanalo.Dahil hindi ako naghabol sa lubid na hinayaan akong mahulog,
Hindi ako nagpatangay sa alon na nais akong ilunod
Ako na nanalo
Sa larong sinimulan at tinapos mo, ako ang nanalo.Hindi kita pinilit na manatili sa'kin dahil alam ko
Na kung susuko ako ay hindi ako ang uuwing talunan
At alam ko na hindi tamang ipanalo ang maling laban.Gusto kong ipakita sa'yo kung gaano kalaking pagkatalo ang iwan ako
At kung paano mawasak ang unang taong bumuo sa'yo
Ngunit ito ay para may ipaintindi sa'yo at hindi para gumanti
Na sa taong marunong magmahal, walang lugar ang pagpayag na masaktan ang sarili.-
BINABASA MO ANG
TULAPROSAS
Poetry"TULAPROSAS" Tula. Prosa. Posas. Rosas. - Kalipunan ng mga Tula at Prosa na kumawala sa Posas bilang mga Rosas