Minsan narinig ko na...
Imposibleng maging magkaibigan ang dalawang magkasintahan pagkatapos ng hiwalayan
Kaya napaisip ako...
Kapag ba ang isang tao ay umamin sa taong hindi siya gusto,
Normal lang ba na pagkatapos no'n ay pareho na silang estranghero?'Yun bang...
Hindi na sila magkakilala.
Walang kibuan.
Walang pansinan.Na parang isang klase ng amnesia ang mga salitang "Gusto kita"
At nagawa nitong burahin ang mga alaalang kahapon lang naipinta.- Estranghero
BINABASA MO ANG
TULAPROSAS
Poetry"TULAPROSAS" Tula. Prosa. Posas. Rosas. - Kalipunan ng mga Tula at Prosa na kumawala sa Posas bilang mga Rosas