128. POSAS

3 0 0
                                    

Akala ko ay tapos na 'ko sa pakikipagkarera sa takot
Na sa payapang pampang ay ayos lang pumalaot,

Ngunit kahit pala ang pinakapayapang pagtampisaw
Ay may bayolente at taksil din na paghataw,

Nakakatakot nang yumakap sa tahimik na karagatan
Kung ang direksyon ng alon ay hindi na mapagkakatiwalaan,

Nakakatakot nang mag-iwan ng yapak sa buhanginan
Kung ang hangin at patak ng ulan ay ayaw na 'kong kampihan.

- Dahas sa ilalim kapayakan

TULAPROSASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon