Hindi ko inasahan na bago ko
matuklasan ang totoong mundoAy kailangan ko munang mamulat at sa pag-ibig ay matuto
Hindi ko inasahan na sa pagbuo ng bagong ako
Ay kinakailangan ko pang bitawan ang pinanghawakang "tayo".
Sa sabay nating paglalayag ay nagtiwala ako
Nagtiwala ako na hanggang sa
makarating tayo sa kabilang dakoAy mananatiling nakalapat ang mga kamay mo sa palad ko
Pero hindi...
Sinamahan mo lang ako para balansehin ang bangka patungo sa kaniya
Isinama mo lang ako para matantiya ang espasyong para talaga sa kaniya
Ginamit mo lang ako para sunduin siya habang hinihintay ka
Instrumento niyo lang ako para tuluyang maangkin ang isa't isa.
-
BINABASA MO ANG
TULAPROSAS
Poetry"TULAPROSAS" Tula. Prosa. Posas. Rosas. - Kalipunan ng mga Tula at Prosa na kumawala sa Posas bilang mga Rosas