Umibig ka ng manunulat.
Hindi ito isang pabor na kailangan ng iyong pagkatalima,
Hindi rin gaya ng tubig sa dalampasigan na rumaragasa
Na kapag nagkamali ka ng hakbang ay maaari kang mapinsala
Kundi, ito ay isang payo na marahil ay ikababago ng mali mong paniniwala
Dahil kung sa manunulat ka mapupunta ay mababalot ka ng mga salitang mahiwaga.Kung pagod ka nang lumaban, pwede bang ang mga akda ko ang gawin mong pahingahan?
Pangako ko sa'yo na ilululan kita sa tahimik na ritmo ng aking tugmaan,
Hahagkan ka ng mga taludtod na isinulat ko habang nakatitig sa buwan
At itatago ka sa mundong minsan kang sinaktan at pinaglaruan.Umibig ka ng manunulat
At nasisiguro ko sa'yo na lalamapasan mo ang kahulugan ng salitang "sapat",
Umibig ka sa mga letrang isinulat gamit ang dinsol
At sinisiguro ko sa'yo na kahit mapag-iwanan ka ay hinding-hindi ka na maghahabol.Dahil kapag sa manunulat ka napunta,
Hindi mo na kailangang kwestiyonin pa ang 'yong halaga.
BINABASA MO ANG
TULAPROSAS
Poetry"TULAPROSAS" Tula. Prosa. Posas. Rosas. - Kalipunan ng mga Tula at Prosa na kumawala sa Posas bilang mga Rosas