Daan Pabalik
Batid ko na mahirap mapunta sa lugar na wala kang kasama,
Nakakatakot matunghayan ang walang-hanggan kung ikaw lang mag-isa
'Yung pakiramdam na tatahan ka sa mga yapos ng hangin
At kakalma sa tapik ng mga luhang kumakawala nang taimtim
Na kahit hindi iyon ang kailangan mo ay tatanggapin mo
Dahil wala kang ibang maramdaman kundi ang drastikong pagbabago.Ito na naman ako, dinadala ng sobrang pag-iisip sa hindi ko malaman na mundo
Paulit-ulit akong pinaglalaruan ng hindi pamilyar na mga dako,
At ang lahat na lang ng makita kong espasyo ay walang dulo.Maraming pagkakataon na malaya akong piliin ang sarili ko
Pero hindi ko ginawa dahil nakita ko sa'yo ang hiwaga ng mundo
At sa araw-araw na may dalawampu't apat akong oras para mahalin ang sarili ko
Ay mas pinili kong samahan ka sa muling pagkabuo mo.Narito ako sa lugar na bagaman hindi pamilyar ay parang kilala-kilala ko na
Ang haplos ng hangin, ang payapang ritmo ng katahimikan... lahat
At sa sobrang dami... sobra ring bigat.Kung pahihintulutan nga lamang ako ay mas pipiliin kong hindi na bumalik sa totoong mundo
Mas pipiliin ko na lang na kalimutan ang daan pabalik sa'yo
Kung sa pag-uwi ko ay sasalubungin ako ng mga bakas nating hindi na muling matatapakan
At hindi na kailanman maaari pang dugtungan.Kung nalaman ko lang sana nang mas maaga...
Na ang pupuntahan lamang ng lahat ng ito ay ang pagkatalo nating dalawa,
Ay mas pinili ko na lang sana...
Ang lumaban at manalo nang mag-isa.Hahayaan ko ang sarili kong paulit-ulit na maligaw
Kung iyon lang ang tanging paraan para makalimutan kong ikaw
Ang naging boses ng pag-iyak ko nang pasigaw
Naliligaw,
Naguguluhan,
Bilanggo.Ngunit sa pagpapatuloy ko sa paghakbang ay may napansing akong kataka-taka
Lumalakad naman ako ngunit bakit nananatili ako sa simulang linya
Sa pagkakataong iyon ay may naisip akong ideya,
Hahakbang ako patalikod upang makita ang iiwang bakas ng aking mga paa.Sa paraang iyon ay baka ako naman ang manalo
Para rin hindi ko makita ang daan patungo sa'yo
Dahil hindi pa ako tapos umiyak sa natamong pagkatalo
At natatakot ako na baka kapag natagpuan kita ay sa'yo na naman ako tatakbo.Sa mga panahong marahas ang hangin ay hinihiling ko na sana...
Itangay na lamang ako nito sa lugar na hindi na ako mag-isa
Kahit saan...
Basta hindi sa totoong mundo,
Sa totoong mundo kung saan maliligaw ka kapag hindi ka huminto
At mapag-iiwanan ka naman kung hindi ka agad tatayo.Hindi ko inasahan na ganito kasakit magmahal,
Hindi ko inasahan na ganito matalo sa pagsugal.
Hindi ko rin akalain na natuto akong lumakad
Ngunit hindi ang umusad.Mapanlinlang talaga ang pag-ibig.
Ililigaw ka nito upang matuto kang umigib
At upang ang mga luha ay maitago mo sa lugar na liblib.Naiwan na 'ko ng lahat
Nakausad ka na't lahat
Nandito pa rin ako.Ayoko na,
Pagod na 'kong maging mag-isa,
Pagod na 'kong bumuo ng tanong
Pagod na 'kong gumawa ng kongklusyon
Isusuko ko na ang lahat ng natitirang bakit
Hanggang sa mawala ang lahat ng sakit
Hanggang sa ako naman ang manalo
At hanggang sa umusad ang bawat paghakbag ko.Wala na 'kong magagawa kundi ang magpatianod
Sa marahas na luhang patuloy sa pagbunsod
Dahil ganito muna 'ko,
Lumalakad patalikod
Umuusad nang pagod.
BINABASA MO ANG
TULAPROSAS
Poetry"TULAPROSAS" Tula. Prosa. Posas. Rosas. - Kalipunan ng mga Tula at Prosa na kumawala sa Posas bilang mga Rosas