[ Reverse Poetry ]
.
.
.Hindi na muli
Hindi na tayo
magkakalayong muli
susulitin na bawat sandali dahil
walang
hangganan ang ngiti
may
galak sa bawat paghikbi
maging
ang tangan na ngisi
sa ating dalawa'y daig
ang mali,
ngayong ako na
ang iyong pinili
hindi na ako
hahakbang pa patabingi
dahil
mahal
kita
hindi na
dadaan pa sa pagsugal
at
muling tatanggalin ang nakatarak na
punyal
dahil sa oras
ay naghihilom ang mga pighati
kasabay ng sakit ng 'di mo sa'kin
pagpili
hindi totoong
iiwan kang tumatangis at humihikbi
( basahin paitaas )
BINABASA MO ANG
TULAPROSAS
Poetry"TULAPROSAS" Tula. Prosa. Posas. Rosas. - Kalipunan ng mga Tula at Prosa na kumawala sa Posas bilang mga Rosas