Ngunit sa pagpapatuloy ko sa paghakbang ay may napansing akong kataka-taka
Lumalakad naman ako ngunit bakit nananatili ako sa simulang linya
Sa pagkakataong iyon ay may naisip akong ideya,
Hahakbang ako patalikod upang makita ang iiwang bakas ng aking mga paa.
Sa paraang iyon ay baka ako naman ang manaloPara rin hindi ko makita ang daan patungo sa'yo
Dahil hindi pa ako tapos umiyak sa natamong pagkatalo
At natatakot ako na baka kapag natagpuan kita ay sa'yo na naman ako tatakbo.
- Daan Pabalik
BINABASA MO ANG
TULAPROSAS
Poetry"TULAPROSAS" Tula. Prosa. Posas. Rosas. - Kalipunan ng mga Tula at Prosa na kumawala sa Posas bilang mga Rosas