Kung katatapos mo lang magmahal,
Pakiusap lumayo ka muna sa'kin
Kung hindi naging matagumpay ang ginawa mong pagsugal,
Huwag mo muna akong pilitin.Ito ang mga salitang pinanghihinayangan ko dahil hindi ko nasabi sa'yo
Kung naging matapang lang sana ako at mas naging matalino
Ay baka hindi ako nagmahal ng taong hindi pa buo,
Kung naisip ko lang sana na may panandaliang saya,
Baka hindi ko hinayaan ang sarili ko na umasa
Sa taong hindi pa tapos magmahal ng iba.
-
BINABASA MO ANG
TULAPROSAS
Poetry"TULAPROSAS" Tula. Prosa. Posas. Rosas. - Kalipunan ng mga Tula at Prosa na kumawala sa Posas bilang mga Rosas