Dance
*****************
"Beh, paabot nga ako ng lipstick!" sabi niya at siya din naman ang kumuha.
Nasa mansion kami ni Ate Yan she's organizing the party along with her husband and syempre andito kami nag-aayos dahil ang theme ng party ay masquerade ball. Shala ng debut sakin nga walang kahanda handa eh.
Ayoko sanang mag gown, ang kaso nga lang di pwede yon. Tiningnan ko kase ang invitation yung iba walang apelyido. Pa mysterious pa. Si Ava busy, baka mamaya pa yon.
"Ate Amy! Halika dito!" Tawag sakin ni Abrielle. Pumunta naman ako sa kaniya at dala dala ko ang cellphone ko.
Kinuhanan ko siya ng picture.
"Happy Birthday Bebe." I greeted her.
"Thank you." She answered.
"Nasaan si Ate Sav?" Tanong niya agad."Ewan ko, mamaya pa yon." Sagot ko naman.
"Bakit hindi ka pa nagbibihis? Mag i start na program dun." I nodded. No one knows about my scar, eh si Ava ang mag a assist sakin pagbibihis.
"Magbibihis na rin ako." Sagot ko. "Escort mo nasaan?" Pag-iiba ko ng topic.
"Papa is my Escort." Ngumiti ako.
"Ahhh si Kuya Robert." Tumango siya.
"I'll go ahead." May mga maids na nag asikaso sa kaniya dahil ang laki ng gown niya. Ilan ba yon? Apat? Anak ka ng tukmol, pinatahi niya lahat to?
"Happy birthday Abrielle!" Sabi ko nalang nang umalis na siya. Ako naman itong lumakad papunta sa food room, dito kasi nila nilalagay lahat ng pagkain pagkatapos maluto sa kitchen eh, and my mother is one of the volunteers na mag organize niyon.
"Nay, bat di pa kayo nagbibihis eh malapit na magsimula?" Bungad na tanong ko.
"Ikaw bakit di ka pa bihis?" Tinuro ko ang mga pagkain sa loob ng malawak at malaking kitchen.
"Gutom ako." Agad kong sagot.
"Tuna Pesto at Panna cotta, yun lang." Sabi ko at agad na binigay sakin ang dalawang pinggan, isang malaki at isang maliit. May tubig naman ako sa kuwarto. Meryenda talaga ang habol ko hindi mga menudo or anything.
Lumabas ako at naglakad na papuntang bedroom ko, grabe bago pa ko makapunta sa room ko. Dun ako mag me make up eh. Kinain ko na habang naglalakad ang Tuna pesto.
While walking halos masamid naman ako ng may makasalubong akong isang matangkad na lalaki. Napatigil pa ako sa hindi malamang dahilan. Parang gusto kong magpapicture na ewan. Pinagmasdan ko lang siyang maglakad.
He is wearing a white and gold mask. I looked at his clothes, he is wearing a white tuxedo with golden embroidery on it and a white cape. Grabe, white with gold, ang Prince like. Lumingon naman siya sa akin kaya halos mabali ang leeg ko sa biglaang pagiwas ng tingin.
Sabi na eh, may mga pogi talaga dito. Kasali yun sa program, naka damit eh. Sabagay, gold ang theme ni Abri. Dali dali akong pumunta sa loob ng kuwarto.
There I found two stylist, for hair and for dress, one makeup artist and they're waiting for someone? Mga mukhang nagmamadali na sila.
Ibinaba ko ang pagkain ko sa lamesa at dinala nila ako sa dressing room. "Magbihis ka na muna beh, dito lang kami sa labas." Tumango ako. Hayaan na si batman. Kinuha ko ang kulay violet satin gown, may pagka balloon ito. This is it, may pangalan ko eh at sinabi nilang baklas ang likod. Eh may baklas to.
I wore it slowly and carefully, pagaling pa lang ang sugat ko na walang nakakaalam kundi ako at si Ava at si Kuya Doc. Huminga ako ng malalim bago lumabas. Agad naman akong tumalikod dahilan kung bakit nagulat sila.
YOU ARE READING
De Silva Series 1: Shy to you [On-going]
RomanceTAG-LISH STORY ________________ Amethyst and Amatheon's Love story ________________ Amethyst was living her life normally and peacefully. Just when she thought nothing's wrong, her life changed drastically by a piece of bullet that scarred her back...