15| The Family of De Silvas

44 5 0
                                    

!!!Errors Ahead!!!

。:゚(;´∩';)゚:。

"WHO ARE YOU?!! WHY ARE YOU WITH MY UNCLE THEON?!!" Napalingon ako sa matinis na tinig at doon bumungad sa akin ang mukha ng isang bata na pulang pula ang pisngi at nakapamaywang pa habang nakanguso. Nakasuot ito ng unicorn dress at may bagsak na maikling buhok.

"Macey, what kind of behavior is that?" Dinig ko namang tawag ni I.C. sa bata, kaya napalingon ako. Come to think of it, magkamukha sila. "Apologize to Tita Ame right now." Whews! Ame is a new nickname for me. Nasanay ako ng Amy ang palaging tawag sakin.

"No! Tito Theon and I were bestfriends and you! Nipag-hiwalay mo kami!" Tinuro pa niya ako at sobrang sama na ng tingin niya sa akin na parang mamamatay ako roon. Maybe she just hated that her uncle brought a new girl. I understand it though.

"Macey, I said stop it!" Kinarga na siya ni I.C. kaya naman napatingin lang ako kay Theon na nasa itaas na pala ng hagdan at tinitingnan niya ako ngayon. Dali-dali naman akong umakyat papaitaas at napagulat na napatuon ang siko sa harapan at napadaing sa sakit na natamo ng tuhod.

"Careful!" Dinig kong sigaw niya pero huli na dahil para na akong naputulan ng kamay at paa sa sakit nito. Hindi ko na tuloy maimagine ang hitsura ko ngayon dahil sa sobrang sakit ng kanang braso at dalawang tuhod ko na tagos hanggang buto ang sakit.

"Tangina mong hagdanan ka!" Mura ko rito na ikinagulat naman ni Theon. Napaupo ako, pero naramdaman ko naman ang pag-angat ng katawan ko hudyat na binuhat niya ako. Nakarinig  naman ako ng pagkawala niya ng malalim na hininga. Nagmura ako sa harapan niya?

Sa sobrang kahihiyan ay itinago ko nalang ang mukha ko sa balikat niya at napahinga ng malalim. Next time, hindi na ako magmamadali sa pag-akyat ng hagdan. Grabe naman kase yung hagdan na yon! Sino ba ang engineer non?!

"Sit here and don't move." Sabi niya matapos akong iupo sa sofa sa loob ng kuwarto niya na kasing laki rin ng kuwarto na ginamit ko kanina. Medyo mas malaki pa ata ito doon. "Ouch!" Daing ko ng hawakan niya ang kanang tuhod ko.

"Hmmm. No sign of swelling, it'll be okay after a few minutes." Sabi niya at marahang kinuha ang kanang braso ko at napadaing din ako sa ginawa niya. "This one's the same. You have a bruise, I'll need to put some ointment." Umalis siya saglit at naglakbay ang paningin ko sa paligid habang inaantay siya. Kung hindi lang ako nabara edi sana hindi ako nasaktan.

Bwisit na hagdan naman yon.

Nang makabalik na siya ay may dala pa siyang agua oxigenada at bethadine, napasilip tuloy ako sa sugat ko at nakakunot ang noo ng parang may hiwa doon na manipis. Saan naman kaya nanggaling yon eh soft edged ang hagdanan nila? Sabgay baka napilas? Ag, bahala na nga.

"This will hurt a little. Please endure it." Tumango ako at tumingin sa ibang lugar. Nilagyan niya ako ng panglinis ng sugat at mahapdi nga siya! Napadaing tuloy ako sa sakit.

"Grabe naman." Sabi ko at nang pinapaanuran na niya ng bethadine ang sugat ko ay pinanood ko nalang siya. Hindi naman kase masyado masakit at maliit lang yung sugat ko. "It's done. It will heal soon—

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng may kumatok sa labas ng pintuan at iniliwa doon si Ava na may ibinulong. Nginitian lang ako ni Ava bago niya kami iniwan. Nagtatakha akong napatayo at pinuntahan si Theon na may balangko na ekspresyon.

"W-what's wrong?" I asked. Kinakabahan na rin sa sinabi ni Ava. Lagi naman kaseng bad news ang babaeng yon, pati pala si Theon nadadamay sa pagiging bad news nya.

"I need to orient you about my elders. Especially, my grandma." Agad niyang sabi at hinawakan ang kamay ko at umupo kami sa sofa. "Bakit pala?" Why so sudden? Tanong ko sa isipan ko. "They're coming here." Halos natutuwa pero kabadong sabi niya na kinatakutan ko rin.

De Silva Series 1: Shy to you [On-going]Where stories live. Discover now